MA at PA
ni Rommel Placente
MAPANG-ASAR pala si Lee Victor, huh! Muntik na ngang mapikon sa kanya ang co-housemate niyang si Anton Vinzon. Mabuti na lang at nagtimpi ito.
Sa isang episode kasi ng isang reality show ay nag-aktingan sina Marco Masa at Anton.
Bahagi ng dialogue ni Anton kay Marco, “Bakit may pera ka ba? Wala akong paki kung matalino ka rito. Ang importante kung may pera ka. Pwes! Ako ang may-ari ng school na ‘to, sino ka ba?”
Sagot naman ni Marco, “Pera lang pala ‘yung mahalaga sa yo.”
Pagkasabi niyon ay biglang sumabat si Lee.
Lumapit ito kay Anton, sabay sabi rito ng, “Oy, oy, puno wallet niya, pero ang utak.”
Na parang sinasabi ni Lee na mapera nga si Anton, pero wala naman itong utak.
Si Anton, kahit halatang napikon, hindi niya pinatulan si Lee. Tumango-tango na lang ito.
Pero nag-dialogue siya sa mga co-housemate niya na naka-witness sa sinabi ni Lee na, “That’s off. Bro, grabe ‘yun.”
Si Marco naman, sinabihan si Lee ng, “Doon ka sa far away.”
Maraming netizen ang hindi natuwa sa ginawa ni Lee kay Anton.
Sabi ng isa, “Nakaka-off talaga ‘yun kasi hindi naman kasali si Lee sa aktingan nila, tapos babanat siya ng ganoon.”
Ayon naman sa isa pa, “sino ba matutuwa sa sinabing ‘yun? Parang sinabi na bobo ka. Masama na biro ‘yun. Bakit matalino ka ba Lee?”
“Malaki ang potential ni Lee as first evictee,” reaksiyon naman ng isa pa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com