Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
DNA  Ezri Julia Tasha Mitra 

Sister trio na DNA handang-handa na sa showbiz: Hindi ipinilit sa amin 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

ALIW kami sa kakikayan ng magkakapatid na DNA o sina Ezri, Julia, at Tasha Mitra nang makausap namin sa  Star Magic’s Spotlight Presscon kamakailan.

Nagbigay ng fresh at masayang energy ang trio sa event, na nagpa-excite lalo sa lahat na makilala at alamin pa kung ano ang kaya nilang dalhin sa music scene.

Nang tanungin tungkol sa ibig sabihin ng pangalan ng kanilang grupo, ipinaliwanag ng panganay na si Ezri na, “DNA refers to the genetic kind of DNA, and we chose the name DNA because it represents our bond as sisters. We share the same DNA, music runs in our blood-it’s in our DNA.”

Katatapos lang i-release ng grupo ang kanilang debut single na Don’t Ask Me Why sa ilalim ng ABS-CBN Music’s Star Pop label, na available na sa lahat ng streaming platforms. Inilarawan nila ang tunog nila bilang, “very pop, with some influences of R&B-a little bit more dance-pop, upbeat, with some rap and hip-hop influences also.”

Galing sa kilalang pamilya sa music industry, ibinahagi ng DNA na sila mismo ang nakadiskubre ng passion nila sa musika—hindi ito desisyon na ipinilit ng kanilang mga magulang.

Kwento ni Julia, ang middle child, “I think for all of us, we love performing. Noong bata pa kami, nagra-runway kami, sumasayaw, at kumakanta sa iba’t ibang shows, pero never namin sineryoso. Ayaw talaga nila mommy na mag-showbiz kami, so we found ways na lang to perform sa school.”

Dagdag naman ni Tasha, ang bunso, “They didn’t directly say that they wanted it for us, pero lumaki kami na lagi naming kasama si Tita [Regine Velasquez-Alcasid] sa concerts, at si daddy sa mga musical arrangements niya. So we’d watch and we’d want that too. Hindi nila kami ipinilit, it was just natural.”

“You can expect an EP or album around the second quarter next year and we’re putting a lot of effort into preparing for it, so abangan!” teaser ng grupo tungkol sa upcoming plans nila.

Malinaw ang branding ng DNA-isang grupo na may unique bond bilang magkakapatid. 

Makikita ito sa kanilang style, performances, at sa kanilang pagiging humble at totoo, kahit galing sa pamilyang puno ng musical success.

Marami pa ang dapat abangan, at umaasa ang grupo na mas maraming tao ang sasama sa kanilang journey na ngayon pa lang nagsisimula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …