Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gladys Reyes

Gladys gustong mag-ala Vilma Santos, handang subukan mga bagong role 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

BUKAS sa mga karakter na lampas sa nakasanayang gawin o ginagampanan niya si Gladys Reyes.

Ito ang tinuran ng premyadong aktres sa Star Magics October Spotlight Presscon kamakailan kasunod ng matagumpay niyang premiere night ng pelikulang pinagbibidahan, ang The Heart of Music.

Kakaiba ang sa mga ginagawa at ginagampanan ni Gladys ang The Heart of Music na isang musical. Bukod sa hindi siya kontrabida rito, kumakanta at nagpakita ng talento sa musika ang aktres.

 “Why not? Katulad nga nitong ‘The Heart of Music’—this is really unexpected,” aniya.

Abala si Gladys sa second season ng Cruz vs Cruz  patunay na maraming pinagkakaabalahan ang aktres. 

Sa kabila ng hectic na schedule, nananatili siyang mapagpasalamat sa bawat oportunidad na dumarating sa kanya. 

“Nakatapos tayo ng isang musical film titled ‘The Heart of Music,’ at kamakailan   ay nagkaroon kami ng premiere night, kaya marami na ring nakapanood ng initial preview ng pelikula. Ako po ay nagpapasalamat kasi talagang ang daming sumuporta at tumulong,” masayang wika ni Gladys.

Ang The Heart of Music ay isang bagong karanasan para sa beteranang aktres, dahil ito ang unang beses na gumanap sa isang musical family drama at ipalalabas sa mga sinehan sa Disyembre 10. 

“Ibang-iba,” sabi ni Gladys nang ilarawan sa isang salita ang role sa pelikula.

Nang tanungin kung nakikita ba niya ang sarili niyang magpapatuloy sa pag-arte, sinabi ni Gladys na hangga’t gusto pa siya ng mga tao, handa siyang ipagpatuloy ito. 

“Lalo kong nava-validate na ito talaga ‘yung gusto kong gawin hanggang sa pagtanda ko. Hangga’t gusto nila ako, hangga’t gusto ako ng tao, hangga’t may proyekto na para sa akin na gusto kong gawin-gusto ko ito.”

Sa kabila ng lahat ng kanyang narating, marami pa rin siyang gustong subukan. 

“Gusto ko ‘yung mala-‘Gone Girl,’ may pagka-bida-kontrabida… At saka ‘yung parang film ni Ate Vi (Ms Vilma Santos) noon, ‘Tagos Ng Dugo’— ‘yung may revenge at paghihiganti. 

“I want to do a movie also-may kapatid ako who has a special need, who has autism. Gusto ko siguro mag-portray din ng person with autism.”

Sa lahat ng mga karakter na ginampanan niya sa ilang dekada sa showbiz, bukas pa rin ang aktres sa mga iba’t ibang karakter na gusto niyang gampanan na isang patunay sa kanyang pagmamahal sa kanyang karera.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …