MA at PA
ni Rommel Placente
NAG-POST si Ellen Adarna ng isang funny video sa kanyang IG account na nagkukumbinsi sa kanyang 7 year old na anak na si Elias na magpanggap na bulag para makakuha ng pera.
Kumbaga, gagamitin niya ang anak para sa isang prank.
Kaso, tinanong ni Elias ang ina kung maaari siyang makakuha ng 25,000 Robux instead.
Pagkatapos ay tumanggi ito na gawin ang ipinagagawa ni Ellen.
Katwiran ng bagets, marami na raw naman silang pera.
Pagkarinig niyon ay tumawa si Ellen. Hindi niya akalain na masasabi ‘yun ng anak nila ni John Lloyd Cruz.
Aware pala ito na yayamanin sila.
Ang post na ito ni Ellen ay agad nag-viral.
Mabilis itong nakakuha ng libo-libong likes at comments sa loob lang ng ilang oras.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com