Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gladys Reyes

Gladys kontrabida ng magnanakaw

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

SINANG-AYUNAN ni Gladys Reyes na pwede siyang maging kontrabida ng mga magnanakaw sa politika. Subalit hindi talaga niya pinangarap na maging politiko.

Ito ang binigyang linaw ni Gladys nang humarap sa entertainment press para sa Star Magic’s Spotlight Presscon noong October 29 sa Coffee Project, Will Tower QC. Natanong kasi ang aktres kung nais pumasok na ba sa isipan nito ang maging public servant.

Ani Gladys, never at wala siyang pangarap na tumakbo sa anumang posisyon. Hindi nga raw niya naisip na pasukin ang magulong mundo ng politika.

Masaya na siya sa showbiz  at naniniwala siyang maaari siyang makatulong sa mga nangangailangan kahit wala siya sa politika o  posisyon.

Hindi rin sumagi sa kanyang isip ani Gladhs na na papasukin niya ang public service.

Oo,  siguro na ‘Gladys Reyes, Kontrabida ng mga Magnanakaw.’ Pero, hindi po. Hindi ko talaga ‘yan pinangarap,” giit nito nang sabihing pwede siyang maging kontrabida ng mga magnanakaw.

“Unang-una, ang gulo-gulo riyan (politika) Jusko, kayo na lang! Parang si­guro kanya-kanyang calling ba tawag diyan? Sa akin, parang hindi ko ini-entertain ‘yung thought na ‘yan so, no. Hindi po,” giit pa ng aktres.

Nasabi rin ni Gladys na apektado siya sa nangyyaring korapsiyon sa gobyerno.

Domino effect eh, ‘di ba? Katulad ng kapag may nakita kang…halimbawa, ‘yung hindi na naman tapos na kalye. Mapapa-hayyyy, mapapaganyan ka na lang.

“Tapos siyempre, iniisip natin, ano kaya ‘yung pwede nating maging ambag para kahit paano eh unti-unti naman malunasan ito kasi parang hindi na pwede, masyado nang matagal na ganito na ‘yung nangyayari.

So, ayun nakakalungkot, lalo na bilang magulang. Nakalulungkot na, ano ba ito? Hanggang kailan ba ito? Hanggang sa pumanaw na kami at ‘yung mga anak na lang namin, ganoon pa rin ba?” nasabi pa ng magaling na aktres.

Kaya siguro ang pinakauna na dapat sigurong gawin natin, ipanalangin natin. ‘Yung prayers, hindi ina-underestimate, napakahalaga po niyan. 

“Ipana­langin natin para papagliwanagin ‘yung isip niyong mga taong makatutulong sa atin para po unti-unti sana maibsan.

At sana magawan na ng solusyon itong kinakaharap natin ngayon,” sambit pa ni Gladys.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …