Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
CinePanalo Filmfest CPFF Chris Cahilig

7 entry sa CinePanalo Filmfest 2026 inihayag, tumanggap ng P5-M grant

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

DALAWANG daan at tatlong scripts ang kabuuang dami na natanggap ng Puregold CinePanalo Festival Committee para sa kanilang 3rd CinePanalo Film Festival 2026. Itong taon ang pinakamaraming scripts na naisumite kaya naman sobra-sobrang pagod at puyat ang naranasan ng Festival Director nitong si Chris Cahilig.

Noong Sabado, Oktubre 25 inihayag ang pitong entries na nakalusot sa masusi nilang pagpili sa mga script na naisumite sa kanila.

Ani Chris nang makausap namin pagkatapos ng pagpapahayag ng pitong entries, siya ang nag-i-screen ng mga dumarating na script sa kanila. “I screen them based on plot nila and everything and from 203  entries then 70 passed the initial screening.

“So, ‘yung 70 ang binasa ng ating selection committee and then doon kami pumili ng 33, then 15 hanggang sa pito na lang for full length official entries,” esplika sa amin ni Chris.

Kasama ni Chris sa selection committee na sumala ng mga entry sina Jeffrey Jeturian, Moira Lang, Veronica Velasco, at Ms Ivy Hayagan Piedad ngRepublic Creative Creations Inc. (Puregold’s creative agency).

Naibahagi ni Chris na literal na madugo ang pagpili nila sa pitong entries. Lalo sa tatlong slots.

“Grabe ‘yung tatlong slots na natitira. Roon talaga ang grabeng debate kasi siyempre when you have 33 really great line-up cut to 15 mas lalo pang elite na talaga.

“So paano ka mamimili sa napakagandang pelikula?” iiling-iling na pagbabahagi pa ni Chris.  

 Mula sa P3-M grant bawat isd noong 2024 at 2025  para sa walong pelikula, naging P5-M na bawat isa ang grant ngayong 2026 para sa pitong entries. Pitong pelikula ang kinuha nila ngayon dahil mas malaki ang grant na ibinigay ng Puregold bukod pa sa P1-M na bigay mula sa CMB kaya sa kabuuan, tatanggap ng P6-M bawat entries na kalahok. 

“Kaya mahirap dagdagan ang finalists ngayon at may proseso rin,” wika ni Chris. 

Ang sinasabing proseso sa pagbibigay ng grant ay sa pamamagitan ngtranches (slice) tulad din ng ibang festivals. Ibig sabihin, kapag may production at buo na ang lahat-lahat, handa nang mag-shoot, mabibigay na ang pera.

“‘Yun ang difference ng Cinepanalo if they ask the money basta alam naming maayos naman silang kausap and everything they’ll get it,” ani Chris.

Sagot na rin ng direktor sakaling sumobra sa P5-M ang nagastos sa pagbuo ng kanilang pelikula.

“So far, may mga nakukuhang investors kaya sure na matatapos ang pelikula para mapanood ng screening committee bago ito ipalabas sa Agosto 7-18.

“May mga pelikulang mas maliit sa P5-M and then may pelikulang mas mahal pa rito. So, ang maganda lang ngayon kasi technically P6-M plus ang grant nila kasi nga may P1-M pa sila from CMB (film services).

“Kaya mas malaki na talaga,” sambit pa ni Chris.

Pagdating naman sa pagpili ng genre, tiniyak nina Chris na hindi magkakapare-pareho ang pito. Ang isa ay may highest social impact, tatlo ang may A-list film festival, at tatlo ang commercial o mainstream na puwedeng maging box-office success.

Sa ikatlong taon ng Puregold Cinepanalo Film Festival tiniyak ni Chris na makahuhulma sila ng champion filmmakers.

“More than how important we are in the industry, I think we want to be the festivals who champion filmmakers.

“So, it’s really more experiences of the full length filmmakers and student filmmakers. Doon kami mas nagpo-focus.

“Creating opportunities for them and providing with an environment that’s really pro filmmaker that would really bring out the best in them in their storytelling.

“So, gaano man kalaki ‘yun, ang core namin.  So, lalaki kami because gusto naming lalo pang pagandahin ang festival experiences ng mga sumasali,” paniniyak pa ni Chris.

At dahil palaki nang palaki ang grant na ibinibigay ng Puregold, target nilang makapag-cast ng mga A-list actor.

“This year very particular kami sa casting lalo na sa commercial films kaya itinaas din namin (grant) dahil namroroblmea talaga ‘yung filmmakers kung paano sila kukuha ng artistang malalaki kung ganoon lang kakarampot ang budget nila?

“So, with the P5-M plus additional grants etcetera, marami ng puwedeng magawa sa pondo and we’re very transparent to the filmmakers commercial na isa ‘yun (A list actors) sa importanteng factor na kukunin namin talaga,” sambit pa ni Chris. 

Bukod sa grant, tuloy-tuloy din ang budget sa pa-grocery, CMB, post production grant, discount sa sound scoring at sound design 

Narito naman ang pitong pelikulang napili para sa 3rd CinePanalo Film Festival 2026.   

 Wantawsan ni Joseph Abello; Mono no Aware ni BC Amparado; Apol of my AI ni Thop Nazareno;Patay Gutom (Dead Hunger) nina Carl Papa at Ian Pangilinan;

Beast ni Lawrence Fajardo; Stuck on You ni Mikko Baldoza; at Multwoh ni Rod Singh.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …