Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Emille Joson Tab Murphy

Oscar-nominated Disney writer Tab Murphy  niregaluhan si Direk Emille Joson

NABALITAAN ng Disney at Academy Award-nominated writer, Tab Murphy ang panayam kamakailan ni Direk Emille Joson sa isang podcast virtual interview sa Los Angeles, California. Sa interview, inamin ng award-winning filmmaker na ang karakter ni Esmeralda mula sa Disney hit movie na The Hunchback of Notre Dame na binosesan ng aktres na si Demi Moore noong 1996 ang naging inspirasyon sa costume design ng aktres na si Sara Olano para sa papel nitong fortune teller sa global cult hit short film na Adivino.

Sa panayam, sinabi ni Direk Joson na habang isinusulat niya ang karakter ni Olano, nasasalamin niya ang personalidad ni Esmeralda, isang morally ambiguous na karakter sa orihinal na nobela ni Victor Hugo.

Pinuri rin ni Direk Joson ang pagsasalin ni Tab sa bersiyong cartoon ng Disney, na ayon sa kanya ay nagbigay ng pag-asa at bagong pananaw sa mga 90s baby noong panahong iyon.

Ang The Hunchback of Notre Dame ay tungkol sa isang kuba ng Cathedral Church sa Paris na si Quasimodo, na natutong lumaban at magmahal sa tulong ng gypsy na si Esmeralda, laban sa kasamaan ni Frollo.

Dahil dito, na-flatter si Murphy at agad na nagtanong online sa pamamagitan ng video na roon niya maipadadala ang kanyang regalo para kay Direk Joson. Sa isang video message, sinabi rin ni Murphy na nagustuhan niya ang short film na Adivino at nagpasalamat siya sa inspirasyong naibahagi ng kanyang akda kay Joson. 

Makalipas ang ilang araw, sumagot ang team ni Joson sa mensahe ni Murphy, sa tulong ng mga foreigner netizen. Ilang buwan ang lumipas, natanggap na ni Direk Joson ang regalo, na ibinahagi niya sa Instagram Story kalakip ang pasasalamat kay Murphy.

Saad ni Joson sa kanyang Instagram post: “Growing up, I was obsessed with every Disney movie, but the one that really stuck with me was “The Hunchback of Notre Dame!”  As a fan of Victor Hugo’s original dark novel, I love how Disney brought it to life in such a powerful and family-oriented way! Esmeralda became such an inspiration to me, her style even inspired the costume design in “Adivino” as my little homage to her! Anyway, a huge thank-you to the Academy Award nominee Mr. Tab Murphy (writer of the movie) for sending me a signed gift along with the flash drive message, thank you so much for listening to my interview and for watching my short!!  PS. Fast forward live-action version!!!! “

Si Tab ay isa sa mga batikang manunulat ng Disney box-office hits tulad ng Tarzan, Atlantis: The Lost Empire, Brother Bear, at The Hunchback of Notre Dame, pati na rin ang pelikulang pinagbidahan ni Sigourney Weaver na Gorillas in the Mist, na nagkamit ng limang nominasyon sa 61st Academy Awards taong 1989.

Samantala, umuugong na sa social media ang balitang magkakaroon ng live-action remake ang The Hunchback of Notre Dame, lalo’t nagsalita na ang kilalang Disney composer na si Alan Menken tungkol dito.

Gayunman, dahil sa matapang at mabigat na tema ng orihinal na kuwento, tinitimbang pa raw ng Disney ang tamang paraan ng pagsasalin nito para manatiling akma sa family-friendly format ng kanilang studio, kagaya ng paglalatag noon ni Murphy. (MV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …