SA BISA ng direktiba ng acting chief ng PNP, PLt. General Jose Melencio C. Nartatez Jr, matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Marilao Municipal Police Station (MPS) ang Top 6 Most Wanted Person sa municipal level sa isinagawang manhunt operation sa Bario Fiesta St., Brgy. Nagbalon, Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi..
Sa ulat ni PLt. Colonel Jordan G. Santiago, acting chief of police ng Marilao MPS, kinilala ang naarestong akusado na si alyas Mel, 33 taong gulang, binata, driver, at residente ng nasabing barangay.
Ang kanyang pag-aresto ay batay sa warrant of arrest para sa kasong rape by sexual assault na inilabas ni Judge Carl B. Badillo ng Regional Trial Court, Branch 102, Malolos City, Bulacan, noong Oktubre 14, 2025.
Ayon kay PColonel Angel L. Garcillano, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, ang pagkakaaresto sa naturang most wanted person ay patunay ng determinasyon ng kapulisan sa pagpapatupad ng batas at paghahatid ng hustisya sa mga biktima ng karahasan. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com