Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Padayon Pilipinas

Padayon Pilipinas makabuluhang proyekto para sa mga biktima ng lindol

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MASAYA si Dr. Carl Balita dahil maraming artists ang nagpahayag ng pakikiisa sa proyektong binuo nila, ang Padayon Pilipinas na tulad ng Tulong Taal noong 2020 ay layuning matulungan ang mga biktima ng lindol sa Cebu. 

 Oktubre 2 ayon kay Dr. Carl nag-umpisa ang idea na makagawa muli ng isang charity work tulad ng Tulong Taal na nakalikom sila ng P1.4-M. At mula rito’y nagkonek-konek na sila ng mag-asawang Isay Alvarez at Robert Sena, Vehnee Saturno, at iba pang nakasama rin nila sa Tulong Taal.

Pagkaraan ng 12 araw, nabuo ang awiting ipinarinig nila sa isinagawang Padayon Pilipinas mediacon sa Music Box, gayundin ang show kasama na ang mga sponsor, tickets, at maraming artists na umabot na sa 23 performers. 

Para makatulong sa mga biktima ng lindol sa Luzon, Visayas, at Mindanao pinangunahan muli ni Dr. Carl kasama sina Isay at Vehnee, isang fundraising concert ang isasagawa, ang Padayon Pilipinas sa Oktubre 28, 2025, 6:00 p.m. sa Fr. Peter Yang SVD Hall, Saint Jude Catholic School. Ang proyekto ay pinamamahalaan ng Dr. Carl E. Balita Foundation Inc..

Isang gabi ng musika at pagkakaisa, 23 artists ang kusang-loob na nag-volunteer ng kanilang oras para tugunan ang panawagan ni Dr. Carl na tumulong sa mga nakaligtas sa lindol. Itatampok sa konsiyerto ang iba’t ibang pagtatanghal mula sa iba’t ibang artista na kilala at mahal na mahal dahil sa kanilang talento at kabutihang-loob. 

Kasama sa listahan ang Alakim, Alvnna Velasquez, Bayang Barrios, Beverly Salviejo, Carla Guevara-Laforteza, Chad Borja, Dulce, Frenchie Dy, Jamie Rivera, Jade Aban, Jedidah, Jeminah, Jenine Desiderio, MB40, Ladine Roxas, Ornella Brianna, Rannie Raymundo, Renz Verano, Richard Reynoso, The Fortenors, Vehnee Saturno, Vina Morales, at iba pang surprise guests, kasama ang virtual performance ni David Pomeranz. Ang concert ay ididirehe ni Isay.

Si Vehnee naman ang nag-compose ng awiting Padayon Pilipinas na nagpapakita ng pagkakaisa at kabutihan. Inawit ito nina Bayang Barrios, Beverly Salviejo, Carl Balita, Dulce, Isay Alvarez, Jade Aban, Jedidah, Jeminah, Lyza. Kasama rin sina Carl, Renz Verano, Richard Reynoso, Robert, atVehnee. Malapit na itong maging available sa YouTube at Spotify para sa benepisyo ng mga nakaligtas sa lindol.

Ang lahat ng kikitain ay ididirekta sa mga pamilyang naapektuhan ng trahedya, sa tulong ng mga artistang Cebuano tulad nina Dulce, Chad Borja, at Vina Morales, sa pakikipagtulungan ng SVD Task Force Linog ng Unibersidad ng San Carlos, Cebu. Ang kaganapang ito ay kasabay ng ika-150 anibersaryo ng pagkakatatag ng Society of the Divine Word.

Bawat suporta ay magkakaroon ng makabuluhang pagbabago sa proyekto lalo na ang bansa ay patuloy na nakararanas ng lindol sa iba’t ibang rehiyon. Inaanyayahan ni Dr. Carl ang mga sponsor na mag-donate o bumili ng mga tiket sa halagang P1,500 bawat isa para makatulong sa pagbibigay ng pag-asa at ginhawa sa mga nangangailangan

Tumawag lamang 0917-1037-683 para sa ibang katanungan.

Bilang patuloy na paalala sa ating mga Filipino, “Walang hindi magagawa kung tayo’y sama-sama sa puso, sa diwa, at sa pananampalataya.

Sabi nga ni Dr. Carl, “I realized that WE HAVE THE OPPORTUNITY TO HELP THOSE WHO ARE LESS FORTUNATE AND SAFE THAN WE ARE. And the UNIVERSE aligns for those who want to HELP!

“Salamat talaga. Bahala na ang DIYOS sa atin. Mahal Nya tayo!!!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …