Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rabin Angeles Angela Muji RabGel

RabGel gulat sa nakalululang suporta ng fans sa Seducing Drake Palma

RATED R
ni Rommel Gonzales

ISANG big hit ang Seducing Drake Palma series ng Viva One, kaya tinanong namin sina Angela Mujiat Rabin Angeles kung ano ang reaksiyon nila sa kanilang tagumpay?

Lahad ni Angela, “Ako from the start hindi na ako nag-expect para kung anuman ang mangyari matatanggap ko po ng buong-buo.

“Kaya po noong nakita ko na unti-unti pong nakikilala ‘yung ‘Seducing Drake Palma’ sobrang tuwa ko po and grateful po ako sa lahat ng mga sumuporta sa amin.”

Ayon naman kay Rabin, “Ako noong una po… hanggang ngayon hindi pa rin po ako makapaniwala talaga na tinanggap kami ng tao sa ‘Seducing Drake Palma.’

“Kasi before po kasi sa ‘Seducing Drake Palma’ ginawa po namin ‘yung ‘Mutya ng Section E’, ayun grabe po ‘yung pagtanggap ng tao sa amin.

“Kaya rito po sa ‘Seducing Drake Palma’ kinakabahan po ako kung ganoon pa rin po.

“Pero sobrang kinikilig po ako ngayon kasi talagang sinuportahan po talaga nila kami, iyon po,” ang nakangiting pahayag pa ni Rabin.

May bagong aabangan ang mga supporter ng RabGel tandem dahil tulad na nga ng naianunsiyo, silang dalawa ang bibida sa Philippine adaptation ng 2012 Korean film na A Werewolf Boy na kasalukuyang sinu-shoot na ngayon ni direk Crisanto Aquino, sa ilalim ng Viva Films.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …