RATED R
ni Rommel Gonzales
WALANG humpay ang relief operations ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF) para sa mga kababayan nating lubhang nasalanta ng mga kalamidad.
Sa ilalim ng Operation Bayanihan ng GMAKF, inilunsad ang relief distribution efforts sa mga munisipalidad ng Bogo, Daanbantayan, Medellin, at San Remigio. Ito ang mga lugar sa Cebu na matinding naapektuhan ng 6.9 magnitude na lindol noong Setyembre 30.
Patuloy din ang relief distribution efforts para sa mga komunidad sa Romblon at Masbate, ang mga lugar na napinsala ng Super Typhoon Opong, at sa probinsiya ng Cagayan, na naminsala naman ang Super Typhoon Nando sa ating mga kababayan.
Para sa mga nais magpaabot ng tulong sa pamamagitan ng GMAKF, maaaring mag-deposito sa mga official bank accounts nito. Bisitahin lamang ang www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate para sa mga kumpletong detalye.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com