MATABIL
ni John Fontanilla
MATAAS ang respeto ni Alessandra De Rossi sa mga artistang idinirehe at kasama sa pelikulang Everyone Knows Every Juan ng Viva Films.
Ayon kay Alessandra, “Sa totoo lang wala akong ginawa, kasi ang gagaling talaga nila.”
Hindi rin nito pinakialaman ang kanyang mga artista.
“’Yun talaga ang goal ko, na huwag masyadong makialam kung ano ‘yung gusto nilang ibigay.
“Pero siyempre may mga specific din na kailangan idirehe.
“Pero I think alam naman nila ‘yung ginagawa nila,” papuri pa ni Alessandra sa kanyang mga artista.
Ang Everyone Knows Everyone ay tungkol sa isang pamilya, ang pamilya Sevilla na muling nagkita-kita para pag-usapan ang mana at dito na nga lalabas ang problema at kanya-kanyang differences.
Hatid ng pelikula ang tawanan, drama pero may kapupulutang aral.
Kasama ni Alessandra sa Everyone Knows Every Juan sina Gina Alajar, Edu Manzano, Joel Torre, JM De Guzman, Ronnie Lazaro, Ruby Ruiz, Angeli Bayani, at Kelvin Miranda.
Mapapanood na sa mga sinehan simula Oktubre 22.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com