Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu

Kim iniyakan pagpapagupit ng buhok

MA at PA
ni Rommel Placente

NAIYAK si Kim Chiu nang putulin ang kanyang mahabang buhok. Hangga’t maaari kasi ay ayaw niya itong paikliin. Pero dahil kailangan para sa role niya sa bagong serye nila ni Paulo Avelino, ay pinaputulan nga niya.

Sa kanyang latest vlog, sabi ni Kim na habang ginugupitan at naiiyak, “Sa ngalan ng sining, gagawin ko ang lahat.

“Bye long hair. See you again after taping.

“Lord, I offer my hair to the success of this teleserye.

“Napaka-OA. Pero OA talaga. Kasi ‘di ba, sabi nila, ‘yung buhok mo is part of your confidence?

“But I’m gonna give another kind of confidence.”

Isa sa dahilan kung bakit napapayag ding magpaputol ng buhok si Kim, ay dahil sa direktor ng serye nila na si Direk FM Reyes.

Kung hindi ko lang talaga mahal si FM,” aniya pa.

Sa comment section marami naman sa mga mga faney ni Kim ang nagsasabi na bagay din sa kanya ang maigsing buhok.

Sabi nga ng isa, “Bagay naman kahit anong gupit kasi maliit mukha madali lang ‘yan hahaba.”

Ang reaksiyon naman ng isa pa, “Grabe! Kahit ako maiiyak sa ganda ng long hair mo kasi alagang-alaga mo ‘yun. Pero ok din ang short carry mo naman.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …