Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jericho Rosales Quezon

Jericho Rosales pagka-Filipino nabuhay sa paggawa ng Quezon

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAPAGTANTO ni Jericho Rosales ang pagmamahal sa Pilipinas at pagka-Filipino dahil sa pelikulang Quezon.

Ito ang inamin ng bida ng historical film na Quezon ng TBA Studios na idinirehe ni Jerrold Tarog, at ipalalabas sa mga sinehan simula Oktubre 15, 2025, Miyerkoles.

Pagbabahagi kay Jericho sa isinagawang press conference ng Quezon sa Manila Hotel, pareho nilang hindi gusto ni direk Jerrold ang History noong nasa hay-iskul.

I never liked History, bored me to death and I was just like falling asleep always. And because of this film, parang nabuhay ‘yung pagka-Filipino ko.

“It’s such a blessing, you know. The timing was perfect,” pagkukuwento ni Echo.

Binalikan ni Jericho kung paano inialok sa kanya ni direk Jerrold ang Quezon na sumagot agad siya ng ‘oo’ na hindi pa nababasa ang script. Nasa set siya noon ng Lavender Fields nang tawagan ng direktor.

“And so Jerrold asked, ‘Would you like to play the role of Quezon?’ So I jumped right away without even understanding what it meant. I just said, ‘yes.’

Then he said, ‘Gusto mo bang basahin ‘yung script?’ ‘Ay! Oo, oo, sige!’

“‘Yun pala, may meaning iyon. May meaning pala ‘yung pag-play ng Presidente ng Pilipinas,” aniya. 

“I understand now how important History is. And I understood that the reason why I fall sleep in History class noong bata ako is because I didn’t care about the country.

“It is care that actually makes you move. It is love that makes you move. If you love your family, then you move. If you love your friends, then you move.

You do the things that no one would ever do for them because you love them.”

At dahil sa pelikulang Quezon, napagtanto ni Jericho  kung gaano kahalaga para sa bawat isa ang magkaroon ng responsibilidad.

And actually knowing and understanding saan ba tayo nanggaling?

Sino ba itong mga inihalal natin? Sino ba itong inilagay natin?

But it’s very important for us to understand what we love most about our country so that we will be proud again.

“And through history, doon mo malalaman, bakit ko ba mahal iyong Pilipinas? Naiintindihan ko ngayon because of this film,” pagbabahagj pa ni Jericho.

Itinuturing na pinaka-inaabangang pelikulang Filipino ng 2025, ang makasaysayang biopic na nakatuon sa buhay ni Manuel L. Quezon, mga taon pagkatapos ng Rebolusyong Filipino sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano. 

Opisyal din nitong minarkahan ang pinakahihintay na kongklusyon sa cinematic na “Bayaniverse” trilogy ng studio ng pelikula, na kinabibilangan ng Heneral Luna, ang itinuturing na Philippine’s highest grossing historical mlvor of all time, at critically acclaimed na Goyo: Ang Batang Heneral.

Sinusundan ng pelikula si Manuel L. Quezon sa kanyang pakikipaglaban para sa kalayaan ng bansa mula sa Estados Unidos. Natagpuan niya ang sarili na naglalaro ng brutal na laro ng politika para malampasan ang kanyang mga karibal-kabilang sina Leonard Wood, Sergio Osmeña, at Joven Hernando. Sa kanyang walang humpay na paghahangad ng kapangyarihan, kalaunan ay nakaharap ni Quezon si Emilio Aguinaldo noong 1935 halalan sa pagkapangulo ng Pilipinas, gamit ang kagandahan at paboritismo bilang parehong sandata at pera, sa isang kampanya na sa huli ay nagbabago sa mukha ng politika at kasaysayan ng Pilipinas.

Si Jericho, ang gaganap na Manuel L. Quezon, kasama sina KarylleBenjamin Alves, Mon Confiado, Arron Villaflor, Cris Villanueva, Romnick Sarmenta, JC Santos, Jake Macapagal, Bodjie Pascua, Angeli Bayani, Jojit Lorenzo, Joross Gamboa, Therese Malvar, Ana Abad Santos, Ketchup Eusebio, at Nicole Locco.

Nasa cast din si Iain Glen na kilala sa kanyang papel sa U.S. fantasy series na Game of Thrones, ay gaganap bilang U.S. Gobernador-Heneral Leonard Wood.

Ang Quezon na magbubukas sa buong bansa sa mga sinehan sa Oktubre 15, ay rated PG ng MTRCB, kaya ito ang perpektong pelikula para tangkilikin ng buong pamilya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …