Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arron Villaflor

Arron walang halong politika paghingi ng panalangin para sa mga taga-Cebu

MA at PA
ni Rommel Placente

GRABE naman ang mga basher ni Arron Villaflor. Lugar na matuwa dahil nanghihigi ng dasal ang actor turned politician para sa mga naapektuhan ng lindol sa Cebu, ay kung ano-ano pa ang sinabi ng mga ito laban sa kanya.

Sa pamamagitan ng Facebook, isang art card ang ginawa ng kanyang chief of staff. May picture siya rito na aktong nagdarasal. At ang caption ay, “Pray for Cebu and those affected by the earthquake.”

Kalakip niyon ang mensahe ng pakikiramay niya sa mga pamilyang nawalan ng mga mahal sa buhay dahil sa pagguho ng ilang bahay at establisimyento nang tumama ang lindol.

Sabi niya, “Taos-puso po akong nakikiramay at nananalangin para sa lahat ng naapektuhan ng malakas na lindol sa Cebu at mga karatig na lugar.

“Sa gitna ng takot at pinsala, naniniwala akong ang pagkakaisa, malasakit, at pananampalataya ang magsisilbing ilaw ng bawat pamilyang nasalanta.

“Nais kong ipagdasal ang mabilis na pagbangon, kaligtasan ng lahat, at agarang aksyon mula sa pamahalaan at mga ahensya ng serbisyong panlipunan.

Sama-sama tayong manalangin para sa kaligtasan at mabilis na paggaling ng Cebu.”

Pero dahil nga sa artcard na ‘yun ni Arron ay  napulaan pa siya ng iba. Pero marami rin naman ang nagtatanggol sa kanya.

Sabi ng isang basher ni Arron, bakit daw may picture pa sa artcard niya? Halata raw maagang pangangampanya ito, to think na sa 2028 pa ang susunod na national election.

May mga nagsasabi rin na tila nag-ala “Santino” raw si Arron.

Ang Santino ay ang pangalan ng karakter ni Zaijian Jaranilla sa defunct  teleserye noon  ng ABS-CBNna May Bukas Pa. 

Sa poster kasi ng nasabing serye ay halos kapareho sa art card ni Arron. Si Zaijan ay nakaluhod naman habang nagdarasal. 

Malinis ang intensyon ni Arron at walang halong politika ang paggawa ng artcard ng kanyang chief of staff. Kaya huwag sanang  lagyan ng malisya ito ng kanyang mga basher.

At para sa kaalaman ng lahat, malapit kay Arron ang Cebu dahil taga-roon ang lolo niya. In fact, nasa Cebu siya ngayon para magbigay ng ayuda sa mga naapektuhan ng lindol.

Kung tutuusin ay hindi naman siya board member sa Cebu, kundi sa Tarlac. Pero nagawa pa niyang lumipad patungo roon para lang magbigay-tulong sa Cebuanos.

Sa ginawa niyang ito, may makukuha ba siyang boto sa mga Cebuano? Sila ba ang boboto para kay Arron? Isip-isip mga basher.

Basta kami ay humahanga kay Arron.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …