SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
MAGBABALIK ang Iconic Filipino group na Masculados sa kanilang musical roots dahil muli silang pumirma ng kontrata sa Universal Records.
Ang Universal ang naglunsad noon sa kanila para makilala kaya naman ganoon na lamang ang excitement nila sa pagbabalik sa record company.
Maging si Universal Records Executive Vice President Ramon Chuaying ay nagbahagi ng kasiyahan sa reunion na ito. Aniya, “We are glad that Masculados is coming back to their home label. We shall be working on new songs with Masculados, and we look forward to delivering more hits.
“‘Yung mga millennial and Gen Z, gusto nating malaman nila ‘yung kasikatan ng Masculados.”
Excited din ang mga miyembro ng Masculados sa kung ano ang nakalatag na proyekto sa kanila ng record label. “Looking forward kami sa mga project ulit, kasi rito nagsimula ang songs namin at dito naman nakilala ang Masculados,” anang grupo.
Nangako din ang grupo sa kanilang mga tagasubaybay at fans na sa muling pagbabalik, tiyak na mas masisiyahan ang kanilang mga tagapakinig.
Ipinangako rin nila sa kanilang mga supporter ang “100% kaldagan” sa kanilang mga musika at performance.
Hindi naman na maghihintay ng matagal ang fans sa mga bagong iparirinig na awitin ng Masculados.
Ayon nga kay Universal Records Managing Director Kathleen Dy-Go, pagkatapos na pagkatapos pumirma ng grupo, ini-release agad nila ang exciting budots version ng Masculado’s hits, ang Jumbo Hotdog, na ini-remix ng internationally-acclaimed DJ Love mula Davao City, na siyang nagpasikat sa budots.
Una pa lamang ito sa maraming pasabog mula sa Masculados at Universal Records.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com