Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Money Bagman

VP nakinabang sa flood control project contractor ng Davao

TUMANGGAP si Vice President Sara Duterte ng campaign donation mula sa isang malaking kontratista ng flood control project sa Davao Region.

Ayon sa isang special report ng Rappler, batay sa Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ni Duterte, nagbigay ang Escandor Development Corporation —pagmamay-ari ng kaibigan ng mga Duterte na si Glenn Escandor — ng P19.923 milyon para sa kanyang campaign ads noong 2022 elections.

Iniulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na malaki ang itinaas ng mga kontrata ng Genesis88 Construction mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa panahon ng administrasyon ni Rodrigo Duterte.

Ayon naman sa Rappler, nakakuha ang kompanya ng halos P7 bilyong halaga ng kontrata mula sa DPWH sa pagitan ng 2018 at 2024.

Mula 2023 hanggang 2024, nakakuha ang Genesis88 Construction ng tinatayang P2.9 bilyon halaga ng kontrata mula sa pamahalaan.

Sa panahong iyon, nakuha ng kompanya ang kabuuang 35 proyekto sa Davao Region. Kung ikokompara, karamihan sa ibang construction firm ay nakakuha lamang ng isa hanggang limang proyekto.

Sinasabing nakakuha rin ang kapatid ng Bise Presidente na si Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ng P51 bilyong pondo para sa flood control projects sa huling tatlong taon ng administrasyon ng kanilang ama.

Nang usisain, umiwas ang mambabatas at ibinaling ang usapan sa tanong kung bakit tila nakatuon ang mga ahensiya ng gobyerno sa imbestigasyon sa kanyang distrito habang ipinipikit ang mata sa mas malalaking iregularidad sa ibang lugar. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …