Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PSC Batang Pinoy
NAGBAHAGI ng Inspirational message si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman John Patrick “Pato: Gregorio. Ang opisyal na pagpapakilala ng Victory Medals, Overall Champion’s Trophy, at Most Bemedalled Athlete’s Plaque para sa mga natatanging atleta ng Batang Pinoy National Championships 2025 sa press conference na ginanap sa Century Park Hotel sa Maynila kahapob, Huwebes, 2 Oktubre 2025. Kasama niya sa nasabing okasyon sina (mula kaliwa) Commissioners Matthew Gaston, Olivia “Bong” Coo, Project Director, Batang Pinoy 2025, Edward Hayco, at Walter Torres. Iprenisenta ang Mascot na sina “Oyo at Aya”. Ang ceremonial signing ng PSC at Ikaw ang Simula: 2025 Batang Pinoy sponsors, (mula sa kaliwa, nasa likuran) Neil Mindanao, Aice Ice Cream Philippines; PSC chairman, at Veronica Cruz, Nestle Philippines. Nasa harapan (mula sa kaliwa) Kahlua Charis La Torre, Phil Ace Vantage Corporation; Nelia Ramos, Pocari Sweat; Charina Moore, Cynergy Artwork, at Juvy Ann Aquino, Yakult Philippines. (HENRY TALAN VARGAS)

Handang-handa na para sa PSC-Batang Pinoy National Championships na gaganapin sa GenSan

KASADO na ang lahat para sa Batang Pinoy National Championships na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC), na isasagawa sa General Santos City mula 25-30 Oktubre 2025.

Tinatayang 19,700 atleta mula sa 191 yunit ng lokal na pamahalaan (LGUs) ang inaasahang makikilahok sa 27 disiplina ng palakasan: aquatics-swimming, archery, arnis, athletics, badminton, basketball (3×3), boxing, chess, cycling, dancesport, futsal, gymnastics, jiu-jitsu, judo, kickboxing, karate, muay, pencak silat, sepak takraw, soft tennis, tennis, table tennis, taekwondo, volleyball, weightlifting, wrestling, at wushu.

“Higit tayong handa ngayon kompara sa mga nakaraang taon,” pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Olivia “Bong” Coo sa isang press conference noong Huwebes na ginanap sa Century Park Hotel sa Maynila.

Si Coo, isang apat na ulit na kampeon sa pandaigdigang kompetisyon at kinilala bilang miyembro ng World Bowling Hall of Fame, ang nagsisilbing project director ng Batang Pinoy—isang paligsahan para sa mga atletang may edad 17 pababa.

Samantala, pinangunahan nina PSC Chairperson John Patrick Gregorio, kasama sina Coo at mga Commissioner na sina Matthew Gaston, Edward Hayco, at Walter Torres, ang opisyal na pagpapakilala ng tropeo para sa magiging pangkalahatang kampeon.

Inihayag ni Gregorio na ang mga premyong nakalaan ay: P5 milyon para sa unang puwesto, P4 milyon sa ikalawa, P3 milyon sa ikatlo, P2 milyon sa ikaapat, at P1 milyon sa ikalimang puwesto.

Noong 2024, ang Lungsod ng Pasig ang itinanghal na pangkalahatang kampeon sa edisyong ginanap sa Lungsod ng Puerto Princesa, Palawan. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …