Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MCarsPH Jed Manalang Josh Mojica Boss Toyo Gabriel Go 

MCars PH hangad makatulong sa mga Pinoy

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

PUNOMPUNO ang Music Box noong Biyernes sa paglulunsad ng MCarsPH na pinamumunuan ni Jed Manalang. Ang MCars PH ay isang digital system na nag-uugnay ng car buyers sa verified sales agents mula sa iba’t ibang dealership sa buong bansa.

Kasama sa paglulunsad ang Socia na ang CEO ay si Josh Mojica at ang CTO naman ay si Reiner Cadiz na  gumawa ng website ng MCars PH. Kasama ring dumalo si Gabriel Go, MMDA Head ng Special Operation Group-Strike Force.

Ipinagmamalaki ng MCars PH na marami ang matutulungan ng kanilang kompanya hindi lamang para magkaroon ng trabaho at kumita kundi para mapadali ang pagbili ng mga sasakyan. Mula sa simple hanggang sa high end car/suv.

Sa mga nagnanais na magkaroon ng sariling sasakyan, ang MCarsPH na ang bahala sa inyo! 

“Basta mapatunayan na legit ang address mo at kaya mo ang monthly payments, two valid ID’s, may  NBI or Police Clearance at may pang-downpayment, aprub ka agad!” paunang sabi ni Jed.

One day process lang at same day release, hindi na kailangan ng bank approval.

“Hassle-free at minimal lang ang paperwork, approve kahit may CMAP & replevin case, “

“Fast, legit & trusted transactions at nationwide ang delivery.

Ganyan kadali kumuha ng sasakyan sa MCarsPH,” giit pa ni Jed.

Tunay na mabilis nga ang pagkuha ng sasakyan sa kanila sa tulong na rin ng gianwang website nina Josh at Reiner. Mas napabilis ang mga transaction ng pagkuha ng sasakyan sa MCarsPH. Kaya naman sila ang napili ni Jed para maging kapareha sa pagsasa-ayos ng kanyang kompanya. 

Sabi pa  ni Jed hangad niya ang makatulong sa mga kababayan natin na kumita mula P10,000 pataas bilang komisyon sa mga makukuhang kliyente na kukuha ng sasakyan sa MCarsPH.

Idinagdag pa ni Jed na, layunin nilang gawing simple at malinaw ang proseso ng pagbili ng sasakan habang binibigyan ng digital advantage ang agents.

Sa pamamagitan nito, itinataguyod ng McarsPh ang mas modernong, customer-friendly, at tech-driven automotive marketplace sa Pilipinas. Kaya kung gusto ninyong makabili ng sasakyan ng walang kaproble-problema i-tsek ang MCarsPH.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …