Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Jonathan Velasco Bimby Josh

Kris maaliwalas na ang awra, nagpa-bday surprise

MA at PA
ni Rommel Placente

NAKATUTUWA namang malaman na nakalabas na ng bahay si Kris Aquino

Naispatan ang actress-TV host sa naganap na birthday celebration ng celebrity hair and make-up artist na si Jonathan Velasco last September 25.

Kasama ni Kris sa selebrasyon ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby at in fairness, medyo nagkalaman na ang kanyang pisngi at umaliwalas na rin ang kanyang awra.

Mapapansin naman sa mga litratong ibinahagi ni Jonathan sa social media na kuha sa kanyang birthday celebration na nakasuot siya ng face mask pati na sina Kris, Joshua, at Bimby.

Mababasa sa caption ng Instagram post ni Jonathan, “A huge thank you to the Aquino family for making my birthday so special. Love you po, Madam Kris, Josh and Bimb. #BirthdaySurprise #SpecialDay (heart emojis).”

Narito naman ang ilang comments ng netizens nang muling makita si Kris na medyo maayos na ang itsura kompara sa mga nakaraang buwan.

Happy to see Kris I looking well! Love her! Always my favorite. Happy birthday, Jonathan!”

“Thank you so much for sharing your photos with Ms. Kris. It truly makes me happy to see her looking well and out of the hospital. Wishing you a very joyful and blessed birthday!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …