Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alessandra de Rossi JM De Guzman Edu Manzano, Ruby Ruiz, Gina Alajar, Ronnie Lazaro Joel Torre Kelvin Miranda Angeli Bayani

Alessandra pinagsama-sama mga batikang aktor sa Everyone Knows Every Juan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

TAONG 2021 unang nagdirehe si Alessandra de Rossi via My Amanda kasama si Piolo Pascual. At ngayong 2025 nagbabalik ang aktres sa pagdidirehe at pagpo-produce sa pamamagitan ng Everyone Knows Every Juan na ipalalabas sa October 22, kasama sina JM De Guzman, Edu Manzano, Ruby Ruiz, Gina Alajar, Ronnie Lazaro, Joel Torre, Kelvin Miranda, Angeli Bayani.

Pinagsama-sama ni Alessandra ilan sa mga batikang aktor sa Everyone Knows Every Juan, isang drama-comedy na iikot sa love-hate relationship ng isang pamilya.

Sina Edu, Ruby, Gina, Ronnie, Joel, at Alessandra ay gumaganap na magkakapatid na muling magsasama-sama matapos ang unang taong anibersaryo ng pagkamatay ng kanilang ina na si Juaning Sevilla na ginagampanan ni Liza Lorena.

Si Tupe (Edu), panganay sa edad na 67, ay isang cosmetic surgeon. Kitang-kita sa camper van pa lamang  na sakay siya na angat sa buhay. Kitang-kita rin sa banat niyang mukha ang paggamit ng botox.

Si Josie (Ruby), ang pangalawa sa magkakapatid, hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Naka-tricycle lamang ito at wala pang pambayad. Buti na lang at makakasabay niyang dumating ang naka-kotseng si Rose (Gina), isang corporate leader, at sagot na ang pamasahe ni Josie.

Si Ramil (Ronnie), ang kapatid na iba’t ibang trabaho ang pinapasok. Ngayon ay galing siya sa konstruksiyon kaya madungis at gutom na gutom.

Si Roel (Joel), dating itinuturing na rock star ng pamilya pero ngayon ay nalulong sa alak at sumubok na wakasan ang kanyang buhay. Naggigitara ito habang naghihintay, tila gustong takasan ang tensyon na alam niyang magaganap.

Si Raquel (Alessandra), ang bunso na nasa 40’s, ang naiwan sa bahay kasama ng kanilang ina. Nakatapos ito ng abogasya pero hindi kumuha ng bar exam. Nag-live in sila ng kanyang boyfriend na si Alfred (JM) sa bahay ni Juaning.

Hindi na malapit sa isa’t isa ang magkakapatid at bawat isa ay may itinatagong lihim na maaaring mas makasira ng kanilang relasyon.

Pero ngayon, isang lihim ang dapat nang malaman ng lahat: Pinahukay ni Rose ang labi ng kanilang ina para magawan ng autopsiya.

Nagalit ang lahat, pero umaasa rin sila na lalabas ang katotohanan sa pagkamatay ng kanilang ina, lalo’t may ibang tao rin na nakapaligid sa kanya noon.

Si Anna (Angeli), ang dating taga-alaga kay Juaning. Takas ito sa isang mental hospital. Si Jacob (Kelvin), ang batang hardinero na nakalagay ang pangalan nito bilang tagapagmana ng bahay. At si Alfred, ang ka-live-in ni Raquel na nagpupumilit na pakinggan nila si Jacob na idepensa ang sarili.

Isa-isa nang lalabas ang kanilang mga isyu at mga sikreto, habang ang bahay ay magsisimula na ring gumuho tulad ng kanilang marupok na relasyon.

Ipalalabas sa sinehan sa Oktubre 22 ang Everyone Knows Every Juanat garantisadong puno ito ng katatawanan, drama, at intriga. Abangan!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …