MATABIL
ni John Fontanilla
MATAGUMPAY ang paglulunsad ng MCarsPH Elite Agents Platform na ginanap sa Music Box Timog Quezon City noong Biyernes, September 26, 2025.
Ang paglulunsad ay dinaluhan ng CEO & founder ng MCarsPH na si Jed Manalang, kasama sina Josh Mojica (CEO of Socia), Reiner Cadiz (CTO ng Socia), at Gabriel Go, MMDA Head ng Special Operation Group-Strike Force.
Ayon kay Jed, “Sa mga nagnanais na magkaroon ng sariling sasakyan, ang MCarsPH na ang bahala sa inyo!
“Basta mapatunayan na legit ang address mo at kaya mo ang monthly payments, two valid ID’s, may NBI or Police Clearance at may pang-downpayment, aprub ka agad!”
Dagdag pa nito, “One day process lang at same day release, hindi na kailangan ng bank approval.
“Hassle-free at minimal lang ang paperwork, approve kahit may CMAP & replevin case, “
“Fast, legit & trusted transactions at nationwide ang delivery.
“Ganyan kadali kumuha ng sasakyan sa MCarsPH,” giit pa ni Jed.
At sa website na ginawa nina Josh at Reiner, mas napabilis na ang mga transaction ng pagkuha ng sasakyan sa MCarsPH.
Hangad din ni Jed ang makatulong sa mga kababayan natin na kumita mula P10,000 pataas bilang komisyon sa mga makukuhang kliyente na kukuha ng sasakyan sa MCarsPH.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com