SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
HINDI napigilang maluha at kapwa emasyon sina Carlo Aquino, Anne Curtis at iba pang miyembro ng cast ng It’s Okay To Be Not Okaysa finale chapter presscon ng serye.
Unang naluha si Carlo at inilahad na bumabalik sa kanyang alaala nang una silang ipakilala bilang mga bida sa local adaptation ng sikat na Korean drama.
Parehong venue, sa Dolphy Theater, ginanap ang press launch/announcement noon. At noong Biyernes, Sept 25, ang finale mediacon ng It’s Okay To Be Not Okay.
“Sinasabi ko kasi last year, dito rin kami ipinakilala. Hindi ako sanay mag-goodbye,” kaya biglang hinagod ni Anne likod ng aktor. “Sobrang mahal na mahal ko kasi silang mga kasama ko. Sobrang laki rin ng ibinigay ko sa show na ito, kasi nga mahal na mahal ko kayo,” at dito na umpisang naluluha ang aktor.
“Thank you sa support, kasi sinamahan niyo ang bawat isa sa amin na mag-heal. At kayo rin, sana mag-heal kayo, sa inyong mga puso, sa inyong mga kaluluwa,” emosyonal na pahayag pa ni Carlo.
Sa tinurang ito ni Carlo, hindi rin napigilan ni Anne na maging emosyonal at tinuran ang, “Ano ba naman? Wala akong balak umiyak, pero naiyak ako sa iyo!”
Masyado rin daw malalim ang pinagsamahan nila wika pa Anne kaya naman marami silang memories na nabuo habang ginagawa ang serye.
“Ang dami! Ang hirap pumili ng core memories, kasi I feel like each lock-in namin, may core memory na nangyayari.
“May tumatakbo, may pillow fight namin, going to different island, and sige na nga, going to Siquijor.
“Siyempre, bonding together. Food trip namin, na nagpupunta kami sa iba’t ibang restoran and eat different local food from Bacolod and Dumaguete and IloIlo!” pahayag pa ng aktres na ginagampanan ang karakter ni Mia Hernandez, ang Philippine version ni Ko Mun-yeong, na orihinal na ginampanan ni Seo Yea Ji sa Korean drama.
At kay Carlo, ang pillow fight din ang hindi niya malilimutan. “Sa akin talaga ang pillow fight namin ni Anne, and every time na pumapasok si Mat-Mat (karakter ni Carlo na talaga namang napakagaling niyang nagampanan) sa mga cabinet, kasi talagang pawis na pawis ako roon, eh.”
Bukod sa mahuhusay nilang pagganap, isa pa sa kapuri-puri ay ang magagandany outfit (Filipiniana-inspired) ni Anne.
Nagpasalamat si Anne sa pagbibigay-halaga sa mga Filipino-inspired outfit na ginamit niya gayundin sa marubsob niyang pagganap.
“Maraming salamat, lalo na kapag sinasabing we lived up to your expectations.
“We love how we gave it a Filipino touch,” giit pa ni Anne.
Ang Philippine adaptation ng It’s Okay to Not Be Okay ay base sa 2020 K-drama na may ganito ring titulo na pinagbibidahan nina Kim Soo-hyun, Seo Yea-ji, at Oh Jung-se.
Kasama naman nina Carlo at Anne sina Joshua Garcia, Maricel Laxa, Agot Isidro, Michael De Mesa, Rio Locsin, Enchong Dee, Kaori Oinuma, Xyriel Manabat, Louise Abuel, Bianca de Vera, at Francis Magundayao
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com