Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

Terror ng barangay, armadong adik timbog

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki habang nasamsam mula sa kaniya ang iba’t ibang uri ng baril at bala sa isinagawang pagpapatupad ng search warrant sa Norzagaray, Bulacan, nitong Sabado, 20 Setyembre.

Isinagawa ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit (PIU) – Bulacan PPO sa pamumuno ni P/Lt. Col. Russell Dennis Reburiano, katuwang ang mga tauhan ng Norzagaray MPS, 1st PMFC, at 2nd PMFC, ang pagpapatupad ng search warrant na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si alyas Boy, 34 anyos, residente ng Sitio Dulong Tabtab Ilog, Norzagaray.

Narekober mula sa kaniyang pag-iingat sa loob ng kaniyang bahay ang isang caliber .38 revolver, limang bala ng caliber .38, isang caliber .45 magazine, labing-isang  bala ng caliber .45, isang improvised o homemade shotgun, tatlong piraso ng 12-gauge shotgun ammunition, at isang replica ng Beretta 9mm pistol.

Inilabas ang search warrant matapos ang mga ulat mula sa mga residente ng barangay na nagsasabing ang suspek ay nagbabanta at nananakot sa mga mamamayan gamit ang baril tuwing nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot.

Dinala ang naarestong suspek at ang mga nakuhang piraso ng ebidensya sa PIU Bulacan PPO para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Kasalukuyang inihahanda na ang kasong kriminal laban sa kanya para sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Binigyang-diin ni P/Col. Angel Garcillano, provincial director ng Bulacan PPO, na ang walang humpay na operasyon laban sa mga masasamang elemento ay patuloy na isinasagawa upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa lalawigan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …