LIMANG miyembro ng CFO/UGMU (KADAMAY) ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa San Rafael, Bulacan nitong nakaraang Biyernes, Setyembre 19, 2025.
Batay sa ulat ni PMajor Michael M. Santos, force commander ng Bulacan 2nd PMFC, dakong alas-11:00 ng umaga ay personal na nagtungo ang mga sumukong indibidwal sa himpilan ng 2nd Provincial Mobile Force Company sa Brgy. Sampaloc, San Rafael, Bulacan.
Ayon sa ulat ng 2nd PMFC, ang kanilang mga tauhan, katuwang ang PIT Bulacan East at RIU3, ang nagpasimuno sa pagsuko ng limang (5) indibidwal na umamin sa kanilang kaugnayan sa CFO/UGMU.
Sila ay kasalukuyang nasa kustodiya ng 2nd PMFC para sa dokumentasyon at paghahanda ng custodial debriefing report na layong makalap ang mahahalagang impormasyon na maaaring magamit sa mga susunod na operasyon ng pulisya.
Binigyang-diin ni PColonel Angel L. Garcillano, provincial director ng Bulacan PPO, na ang kanilang patuloy na pangako sa paghikayat ng boluntaryong pagsuko ng mga indibidwal na may kaugnayan sa mga underground mass organizations upang maiwasan ang kanilang muling pagkakasangkot sa mga gawaing nagbabanta sa kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Bulacan. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com