Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mutya Orquia Estudyantipid

Hatid ng Knowledge Channel at BPI Foundation 
Mahigit 200 estudyante sa Pasig natuto wastong paghawak ng pera sa Estudyantipid ng Knowledge Channel 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAPAPANAHONG tipid tips at kaalaman sa tamang paghawak ng pera ang natutuhan ng mahigit 200 mag-aaral sa Pasig City sa inilunsad na bagong season ng Estudyantipid na pinagbibidahan ni Kapamilya star Mutya Orquia

Handog ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) at BPI Foundation, eksklusibong napanood ng junior at senior high school students mula Rizal High School ang pinakabagong episodes ng serye.

Binigyang-diin ni KCFI president at executive director Rina Lopez ang kahalagahan ng mensaheng hatid ng Estudyantipid para maihanda ang mga kabataan sa kanilang kinabukasan.

Aniya, “Through ‘Estudyantipid,’ we aim to reach students where they are, with stories that reflect their experiences and prepare them for real-life challenges.”

Suportado naman ito ni BPI Foundation executive director Carmina Marquez. Aniya, “By teaching students how to manage their finances early, we’re helping build a generation that is responsible, resilient, and ready to face the future.”

Tampok sa bagong episodes ng Estudyantipid ang mga napapanahong isyu tungkol sa pera na madalas na pinoproblema ng kabataang Pinoy matapos ang matagumpay na unang bahagi nito noong 2024.

Samantala, nagbigay din ang KCFI at BPI Foundation ng mahigit 1,500 educational video lessons, kabilang ang Estudyantipid series, sa pamamagitan ng Knowledge Channel Portable Media Library na magagamit ng mga guro sa pagtuturo.

Napapanood ang bagong episodes ng Estudyantipid tuwing Lunes, Miyerkoles, Biyernes, at Linggo, 1:40 p.m. sa BEAM Channel 31, cable, direct-to-home satellite, direct-to-home satellite, at digital black boxes.

Pwede ring abangan ang Estudyantipid sa Kapamilya Online Live tuwing Sabado, 7:40 a.m.-8:20 a.m., at sa Kapamilya Channel tuwing Linggo simula Agosto 10, mula 8:15 a.m.-8:40 a.m.. Available rin ito sa iWant.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …