Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
SLP Patriots Swimmers
ANG koponan ng 'Patriots' Swimmers ng Swim League Philippines (SLP) sa pangunguna ni SLP President Fred Galang Ancheta at SLP Chairman Joan Mojdeh, at kanilang mga coach ay binati ni Commissioner Fritz Gaston matapos magbigay ng courtesy call sa Philippine Sports Commission. Itinanghal na overall champion ang koponan sa katatapos na Asian Open Schools Invitational (AOSI) sa Assumption University Aquatic Center sa Bangkok, Thailand. (SLP photo)

Sa Asian Open Schools Invitational (AOSI)
Swim League Philippines’ (SLP) Patriots swimmers bumida sa Bangkok meet

TAGUMPAY ang naging kampanya ng Swim League Philippines (SLP) ‘Patriots’ swimmers sa  katatapos na Asian Open Schools Invitational (AOSI) sa Assumption University Aquatic Center sa Bangkok, Thailand.


Hataw ang delegasyon ng bansa na kinatawan ng tatlong koponan kung saan tinanghal na overall champion ang Patriiots Luzon na pinangunahan ng magkapatid na Behrouz Mohammad Madi at  Mikhael Jasper Mikee Mojdeh na kapwa itinangghal na Most Outstanding Swimmer (MOS)  sa kani-kanilang age division.


Nakopo ng Patriots Luzon ang kabuuang 4,867 puntos kabilang ang nakamit na 244 puntos ng 10-anyos na si Mikee tampok ang tatlong ginto, tatlong silver at dalawang bronze medal, habang kumana si Madi ng kabuuang 374 puntos mula sa pitong ginto, tampok ang limang meet record at isang silver.


Ang Patriots Visayas sa kabilang banda ay nagtatapos bilang Second Runner-Up, at ang The Patriots Mindanao ay nagpamalas ng kapansin-pansing pagganap, na nakakuha ng maraming Personal Best Times sa iba’t ibang mga events.


Binati ni Commissioner Fritz Gaston ang mga manlalangoy at ang kanilang mga coach matapos magbigay ang koponan ng courtesy call sa Philippine Sports Commission.


“Ang mga batang atleta na ito ay hindi lamang nag-uwi ng mga medalya kundi nagdala rin ng karangalan sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang talento at determinasyon,” sabi ni Gaston.


Ginawaran ni Global Aquatics Chairman Mr. Chanaka Fernando ang Swim League Philippines ng Award of Appreciation bilang pagkilala sa patuloy nitong tungkulin sa paglingap ng grassroots aquatics sa bansa.


Binibigyang-diin ng parangal ang misyon ng SLP sa pag-aalaga ng mga batang talento sa paglangoy mula sa buong Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao—at pagbibigay sa kanila ng mga pagkakataong maging mahusay sa pandaigdigang yugto bilang suporta sa National Federation na Philippine Aquatics Inc. (PAI).


Si SLP President Fred Galang Ancheta at SLP Chairman Joan Mojdeh ay nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa pagkilala.


“Ipinagmamalaki naming ang  nagawa ng aming mga manlalangoy. Ang tagumpay na ito ay isang patunay ng pagsusumikap ng aming mga atleta, coach, magulang, at buong komunidad sa paglangoy. Kami ay pare-parehong nagpapasalamat sa PSC para sa kanilang patuloy na suporta,” ayon kay Galang.
Ang Swim League Philippines ay patuloy na nagpapatibay sa posisyon nito bilang isang organisasyon sa kumakalinga sa pag-unlad sa Philippine aquatics. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

SM Cyberzone Christmas Tech Gift

Cyberzone Christmas Tech Gift Guide 2025: Top 5 Must-Have Gadgets for the Holidays

The holiday season is here, and if you’re looking for the perfect presents for the …