PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MAY kaunting intriga na kinukwestiyon ngayon ng mga loyal at ardent viewers ng Eat Bulaga tungkol sa kanilang The Clone, grand concert last Saturday.
Sa naturang grandest grandfinals ng mga “clone singer” ay itinanghal na big winner si Jean Jordan Abina, ang gumagaya kay Karen Carpenter, habang second placer naman si Lucky Robles ang gumagaya kay Gary Valenciano, at si Rouelle Carino ang third placer, ang clone naman ni Matt Monro.
Ang iba pang mahuhusay na pumasok sa grand finals (lahat sila ay naging grand winners sa kanilang music category) ay ang mga clone nina Steve Perry, Miley Cyrus, Basil Valdez, Michael Bolton, Dulce, at Queen.
Nagkakaisa ang lahat na very deserving ang clones nina Carpenter at Monro, pero naging kwestiyonable nga ‘yung pagkapanalo niyong clone ni Gary V.
Higit daw na mahusay at dikit ang boses ng mga clone nina Miley Cyrus, Michael Bolton, Basil Valdez, at Queen kaya’t hindi raw dapat nanalo ‘yung Robles.
Ayon sa aming napag-alaman, beterano naring kontesero itong si Lucky at nagpe-perform na nga sa mga comedy bar, kasama na roon sa The Klownz ni Allan K.
Mabibigyan kasi ng oportunidad ang naturang winner/s na mag-set sa naturang venue na pag-aari ng EB host.
Nagtatanong ang maraming netizen kung paanong tinalo ni Lucky ang higit na mahuhusay na clones?
Hindi raw kaya nang-influence si Allan sa mga umupong judges na ang bobongga kung tutuusin gaya nina Kuh Ledesma, Pepe Herrera, Raymond Lauchengco, Aicelle Santos, Ima Castro, Mon Faustino, Jimmy Antiporda, Vince de Jesus, Juris, Sheryn Regis, at Ice Seguerra?
Hmm, baka naman kasi iba ‘yung dating ng boses sa live kapag pinakikinggan kompara sa napapanood sa TV, hindi kaya?
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com