PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MUKHANG may something sweeter going on kina Enrique Gil at New Zealand-Pinay actress, Franki Russell.
Napapadalas daw kasi ang sighting sa dalawa at nitong weekend nga ay muli silang magkasama sa isang diving spot sa Bohol.
Sa magkaibang post nila ng kanilang photos and videos sa socmed accounts nila, halatang in touch sa sea world ang dalawa.
Naging friends nga ang dalawa dahil sa diving hobby nila, pero noon pa raw nagkakatrabaho ang mga ito.
Naging kontrobersiyal beauty queen si Franki dahil in 2024 kung kailan niya dapat i-represent ang New Zealand sa Miss Universe, eh at saka naman natanggalan ng franchise ang bansa, thus disqualifying her to join.
Dati ring PBB housemate si Franki (PBB 8) at lumabas na rin sa maraming movies at TV shows.
Bagay silang dalawa dahil kapwa may mga dugong Pinoy at foreign. Halata namang nagkakasundo sila ng mga hilig at gusto, kaya ipush na natin iyan.
Besides, mukha namang kapwa sila available at si Quen nga ay nasa moving forward stage na.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com