Friday , March 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Justin Herradura Noel cabangon Songs For Hope

Justin Herradura malaki paghanga kay Noel Cabangon

MATABIL
ni John Fontanilla

DREAM come true para sa batang mang -aawit na si Justin Herradura ang makasama sa konsiyerto ang iconic singer na si Noel Cabangon.

Isa si Justin sa makakasama ni Noel sa Songs For Hope along with Faith Cuneta, Miles Poblete, Patricia Ismael, Cye Soriano, Nadj Zablan, Dindo Caraig, Dindo Fernandez, TNC Band with front act Meggan Shinew, Rafael Mamforte, Samuel Smith.

Ayon kay Justin, “Isang dream come true po na makasama sa isang concert ang isa sa maituturing na haligi ng musika sa Pilipinas.

“Dati pinapanood ko lang sa tv si sir Noel, pero ngayon makakasama ko na sa isang concert, nakaka-proud po.

“Sana katulad ni sir Noel makapag-record din ako ng song na sisikat at kakantahin ng ibang tao.

“At katulad ni sir Noel na may staying power sa industry, sana magtagal din ako sa larangan ng pagkanta at marami pang song ang magawa,” dagdag pa ni Justin.

Seven times defending champion ng Tanghalan ng Kampeon at kami mismo ay napabilib sa husay nitong kumanta.

Sana lang ay dapuan ng suwerte si Justin at magkaroon ng kanta na maghi-hit dahil bukod sa husay ay napakabait, marespeto na bata at laging may handang ngiti sa mga press na nag-iinterview sa kanya.

Ang Songs for Hope ay magaganap sa Sept. 20 sa Music Museum, 7:00 p.m.,

produced ng Primelens Film Production Inc., directed by Lim Luther John.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …