“PARA sa mga Filipinong may pangarap!” Ito ang iginiit ni Mark Calicdan, Marketing Manager, Strategic Partnerships, MegaBet nang ipakilala sa amin ang Paradise MegaBet.
Ani Mark bilang kabataan na tulad niya naniniwala siyang laging may bagong kinabukasan. “Mayroon kaming mga programa na hindi lang basta sa laro, hindi lang basta sa entertainment kundi kokonekta ang MegaBet Paradise sa bawat Filipino. Ang aming partnership ay hindi lang para sa malalaking tao, malalaking company kundi para sa bawat Filipino na may malalaking pangarap.”
Iginiit pa ni Mark na may mga partnership program sila na magbibigay ng magandang kinabukasan at magkakaroon ng tamang direksiyon para makuha nila ang pangarap nila.
“Because MegaBet cares, MegaBet will do it not just nike just do it, MegaBet will do it for you,” susog pa ni Mark.
Kasamang humarap sa press ni Mark sina Peter Munsayac, Head of R & D at Shelly Flores, Marketing Manager, PR, Branding and Events kasama si Gian Carlo Vizcarra na siyang nag-host ng event.
Mala-Paradise nga ang pinakabagong destinasyon ng iGaming online.
Ang MegaBet Paradise ang pinakabagong destinasyon sa paglalaro. Sa pamamagitan ng kanilang Fruit Color Game na partikular na napapanood o nalalaro sa mga perya, rito sa MegaBet pina-sosyal itong laro na tinitiyak ang pantay, transparency, at patas na paglalaro.
Ang Fruit Color Game ay ang unang in-house na pamagat ng MegaBet, na inangkop sa Paradise
Isla storyline.
Tampok sa laro sa iconic na tropikal ang mga prutas tulad ng saging, niyog, papaya, mangosteen, rambutan, at langka.
Nag-aalok ang live gaming studio ng real-time na karanasan sa casino kasama ang mga live stream dealers at live na bersyon ng Fruit Color Game para sa isang mas naka-eengganyo at interactive na paglalaro.
Sa bagong website, ang bagong branding, ang Paradise Island ay nagpapakita ng mga Filipino icon -Mariana at Gustavo.
Sabi nga ni Shelly, ang redesigned platform ay mas interactive at innovative. And pinaganda, pinalaki, inayos na laro ay magbibigay ng malaking papremyo para sa high quality gaming experience.
Tuklasin ang MegaBet Mall, na ang paglalaro ay nakatutugon sa mga gantimpala. Ang mga manlalaro ay mananalo ng mga premyo na-nai-ko-convert sa Mega Coins na maaaring i-redeem para sa mga reward.
Ang bawat spin, taya o sesyon ng laro ay nagbibigay ng gantimpala sa mga manlalaro ng mga real world item kapag nakaipon sila ng mga loyalty point. Ang P500 na deposito ay katumbas ng isang Mega Coin.
Dito’y may pagkakataong maipalit ng mga gadget at electronics, branded na kasuotan at mga bagay na may mataas na halaga tulad ng mga motorsiklo at mga bagong kotse.
Sa loob ng live studio, tingnan mismo kung paano nagsasama-sama ang mga high energy host ng MegaBet, cutting-edge broadcast set-up at nakaka-engganyong mga karanasan sa laro upang bigyang-buhay ang masaya, patas at inspirasyong Filipino.
Idinagdag pa ni Shelly na may mga pa-premyo rin sila mula sa mga top brand tulad ng Apple, Evo, Toyota, Yamaha, Play Station 5, Rolex at ia pa.
“In today’s competitive iGaming market, platforms need to do more than just provide games online. They need to deliver innovation, trust and player engagement,” susog pa ni Shelly.
Sinabi naman ni Mr Peter na ang lahat ng laro sa MegaBet ay sumusunod sa patakaran ng Pagcor. Isinusulong din nila ang slogan ng Pagcor, ang “Gambling is addicting, know when to stop.”
Ipinagmalaki rin nitong gawang Pinoy ang kanilang mga laro.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com