Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

Puganteng most wanted rapist ng Bicol natunton sa Bataan

MATAGUMPAY na naaresto ng magkatuwang na mga operatiba ng Police Regional Office 3 (PRO3) at Police Regional Office 5 (PRO5) ang isa sa mga most wanted person sa Bicol Region nitong Linggo, 24 Agosto, sa bayan ng Morong, lalawigan ng Bataan.

Kinilala ang suspek na si Vince Gelvero, 43 anyos, nakatala bilang Top 10 sa Regional MWP sa Region 5 at Top 3 sa Provincial MWP sa Camarines Sur na pinaghahanap ng batas para sa mga kasong statutory rape at rape by sexual intercourse.

Ang pag-aresto sa akusado ay bunsod ng inilabas na warrant of arrest ni Presiding Judge Rima Orbon Ortega ng Iriga City, Camarines Sur RTC Family Court Branch 7 para sa apat na bilang ng kasong statutory rape; dalawang bilang ng kasong rape by sexual intercourse; at tatlong bilang ng kasong statutory rape by sexual intercourse.

Isinagawa operasyon ng mga operatiba ng Morong MPS sa pakikipag-unayan ng mga tauhan ng Bato MPS, Camarines Sur PPO, Bataan 1st at 2nd PMFC, Bataan IU, Maritime Law Enforcement Team, RIU, at 302nd MC RMFB3.

Kaugnay nito, pinapurihan ni PRO3 Regional Director P/BGen. Ponce Rogelio Peñones, Jr., ang operating team sa pagkakaaresto sa akusado na itinuturing na malaking banta sa seguridad ng kababaihan. (MICKA BAUTISTA) 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …