ARESTADO ang isang babaeng sinampahan ng patong-patong na kasong kriminal at kabilang sa most wanted person sa ikinasang manhunt operation ng mga awtordidad sa lungsod ng Baliwag, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 23 Agosto.
Ayon sa ulat ni ni P/Maj. Michael Santos, force commander ng 2nd Bulacan Provincial Mobile Force Company (PMFC), nagresulta ang operasyong isinagawa ng tracker team ng 2nd PMFC katuwang ang Baliwag CPS pagkakaaresto ng isang 41-anyos na negosyant dakong 11:30 ng umaga sa Brgy. Piel, sa nabannggit na lungsod.
Isinilbi sa operasyon ang 13 warrant of arrest laban sa suspek para sa mga kasong Estafa at Other Deceits o panlilinlang, gaya ng sumusunod:
• Isang warrant na inisyu ni Judge Ginalyn Rosal Rubio ng RTC Branch 28, Bayombong, Nueva Vizcaya, para sa kasong Estafa kaugnay ng RA 10175, Criminal Case No. 13501, na may petsang Hulyo 18, 2024;
• Dalawang warrant na inisyu ni Judge Ludovino Joseph Augusto Lacsamana Tobias Jr. ng MCTC Orion-Pilar, Bataan, para sa kasong Other Deceits sa ilalim ng Criminal Case Nos. 8808 at 8809, na may petsang Mayo 20 at 21, 2025;
• Sampung warrant na inisyu ni Judge Grace Victoria Ruiz ng RTC Branch 22, Malolos City, para sa kasong Estafa sa ilalim ng Art. 315 Par. 2(A) ng RPC na may kaugnayan sa Sec. 6 ng RA 10175, Criminal Case Nos. 2834-M-2024 hanggang 2843-M-2024, na may petsang Disyembre 20, 2024.
Matapos arestuhin, ipinaalam sa akusado ang kaniyang mga karapatang konstitusyonal at siya ay pansamantalang inilagay sa kustodiya ng 2nd Bulacan PMFC para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago ipasa sa mga korte na naglabas ng mga warrant.
Pahayag ni P/Co. Angel L. Gacillano, provincial director ng Bulacan PPO, mananatiling determinado ang kapulisan na tugisin ang mga wanted na indibidwal at panagutin sa batas ang mga may kasong kinakaharap.
Ang matagumpay na operasyong ito aniya pa ay bahagi ng nagpapatuloy na manhunt operations ng pulisya upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Bulacan. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com