Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Roderick Paulate Sylvia Sanchez Art Atayde

Roderick at Sylvia malalim ang pagkakaibigan, ipagpo-prodyus ng pelikula 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

HINDI na bago o hindi na ikinagulat ni Roderick Paulate ang isinagawang pa-block-screening ni Sylvia Sanchez ng kanyang pinagbibidhang pelikula, ang Mudrasta: Ang Beking Ina noong Sabado ng gabi sa SM Aura Cinema.

Nagpa-block screening din pala noon si Sylvia ng pelikula nila ni Maricel Soriano, ang In His Mother’s Eyes noong 2023.

Hindi na bago sa akin ito. Nagpapa-block screening din siya sa amin ni Maricel, ‘In His Mother’s Eyes.’ Talagang masipag ‘yan mag-support sa mga pelikula namin,” panimula ni Kuya Dick nang makausap namin pagkatapos ng blocks screening.

Matagal na rin pala silang magkaibigan ni Ibyang (tawag kay Sylvia). Ipinakita nga ni Kuya Dick ang isang tagpo sa premyadong  aktres para ipaalam na roon sila unang nagkatrabaho. Hindi lang maalala ni Kuya Dick kung saan iyon, pero tiyak siyang sa telebisyon iyon.

At nasundan pa ito, ang MMK, iyong Abo episode noong 1995.

“Dalaga pa siya magkasama na kami, umaarte na siya,” pagbabahagi pa ni Kuya Dick. “Hindi ko nga matandaan kung sa ‘MMK’ din iyong una, bata pa siya. Iyong ikalawa Ita ako, asawa siya ni Bembol Roco.”

Sa movie naman ay hindi maalala ni Kuya Dick kung nagkasama na sila. “Parang wala pa, parang sa TV pa lang (nagkatrabaho, nagkasama),” sabi pa ni Kuya Dick.

Hindi sila iyong magkaibigang madalas magkita. Anang premyadong aktor, “Hindi kami laging nagkikita ni Ibyang eh. Pero ang maganda kay Ibyang every now and then biglang nagme-message. ‘Kuya I miss you.’ 

“At saka ang natatandaan ko sa kanya noong hindi pa kami close, ang lagi niyang sinasabi sa akin, ‘kuya sana naging kapatid kita.’ At saka ‘Kuya gusto kitang kapatid.’ Iyon ang lagi niyang sinasabi, hindi pa kami close noon ha.

“Natutuwa lang ako kapag sinasabi niya iyan sa akin. Siguro nakakakita siya sa akin ng kuya kasi kapag nagte-taping kami eh maasikaso rin sa mga kasamahan, sa kanya. Siguro alam niya, nakikita niya sa mga interview ko na maka-pamilya ako, maka-kapatid ako, maka-magulang ganoon. Kaya natutuwa siya,” pagbabahagi pa ni Kuya Dick.

Palabas na sa mga sinehan ang pelikula niyang Mudrasta: Ang Beking Ina at ayon kay RJ Agustin ng CreaZion Studios, ang producer ng pelikula, maganda ang takbo sa takilya at marami ang nanonood at naka-miss sa isang Roderick Paulate.

Grateful at nagpapasalamat naman si Kuya Dick na nakalabas na ang pelikula para makagawa na raw uli siya ng iba pang pelikula. 

Ani Kuya Dick, may dalawang script pa siyang pinag-aaralan. 

“Actually iyong producer sigurado na siya, ako lang ang medyo tinitingnan pa kung ok o tama bang follow up ito? Pinag-aaralan pero may dalawang scripts, maganda,” sabi ni Kuya Dick.  

Maganda ang pelikulang Mudrasta na tiyak kagigiliwan ng sinumang manonood. Ito iyong pelikulang tatak Roderick talaga na nakaka-miss. Naroon pa rin iyong magic ni Kuya Dick na bukod-tanging siya lamang ang makagagawa may mga komedyante mang lumabas ngayon.

Bukod sa komedya may kaunting drama rin ang pelikula na maning-mani na kay Kuya Dick. Mahusay din ang mga kasama niya sa pelikula lalo na sina Carmi Martin at Celia Rodriguez. Riot ang mga eksena nila.

“Actually ang tagal kong hindi gumawa, inaamin ko naman kahit sa mediacon na hindi muna ako gumagawa.Tapos hanggang dumating ito (Mudrasta), parang na-surprise ako na parang teka muna, naintriga ako sa Mudrasta, step mom? Tapos gay role.

“Parang ganoon, doon ako nagtaka at nasabi ko challenging ito a. Sige gawin ninyo ang script tingnan natin. Kasi ang ipinakita lang nila before story line. Kasi ang story nito si Rex Tiri (ng T Rex Entertainment) ang gumawa tapos iyong screenplay wala pa. Eh gusto ko iyon makita. 

“Kaya ang ginawa namin ni direk, si direk Julius Alfonso plus Jonison Fontanos tinutukan namin ito. Tatlo kaming laging lumalabas at ginagawa namin per scene,” tsika pa ng aktor. 

Sa kabilang banda, inamin naman ni Sylvia na talagang isa sa paborito niya si Roderick. “Umaabsent ako para manood ng pelikula, tv series nina Maricel, Sharon, at Janice. Kasama si Kuya Dick. 

At hindi rin niya matandaan kung kailan ang first meeting nila ni Roderick. 

“Nakasama ko siya sa ‘Maalaala’ tapos kapag nakikita ko siya ang pleasant niya.

‘Kapag nagkikita kami nag-uusap kami. Sobra akong nababaitan sa kanya. Isa siya sa tine-treasure ko. Hindi lang kasi ako mahilig mangalandakan. Minsan tinatawagan ko siya, tine-text, ‘kuya ganoon, kuya ganito.’

“Sinabihan ko pa nga siya minsan ng, ‘kuya sana ikaw na lang naging kuya ko. ‘  Bihira kami magkita pero love namin ang isa’t isa at love rin niya sina Arjo, mga anak ko. Isa rin siya sa nirerespeto sobra ng mga anak ko si Kuya Dick kasama sina Maricel, si Nanay Caridad Sanchez.  

“Kaya ko nasabi ‘yung ‘Sana kuya kita,’ dumarating minsan sa buhay ng tao iyong nami-miss mo magkaroon ng kuya kasi ako bread winner, ako talaga lahat. May kuya ako pero parang ako pa iyong mas ate. 

“Kapag nakikita ko siya, the way magtrato siya ng pamilya niya, mga kapatid, pamangkin, sinabi ko talaga na sana naging kuya ko siya. Kaya kahit hindi kami nagkikita, basta anything pagdating kay Maricel, pagdating kay Roderick andyan ako,” giit pa ni Ibyang.

Idinagdag pa ng aktres na, “Ah yes masasabi kong genuine ang friendship namin nina Maricel at Kuya Dick. Same with Eula (Valdez) na kahit hindi nagkikita, kaibigan ko. Akala nila wala akong kaibigan artista, marami sila.” 

Bukod sa isinagawang block screening sa SM Aura noong Sabado, kahapon Linggo naman sa kanyang lugar sa Mindanao pinanood niya ang mga kapatid, nanay, kamag-anak, mga kaibigan ng pelikula ni Roderick.

“para makanood ang mga kapatid, nanay, at iba pa kong kapamilya,” wika ni Sylvia.

Iginiit pa ni Ibyang na basta si Kuya Dick ang respeto niya ay ganoon na lamang (mataas). 

At habang nanonood may isang direktor na tinext si Sylvia dahil gusto niyang gumawa sila ng pelikula ni Kuya Dick. 

“Gusto ko gumawa kami ng pelikula na ibang-ibang Roderick ang makikita o mapapanood nila. Malalim kasi siya, pero ibang-iba sa ginagawa niya na gay movie. Gusto ko iba siya na lalabas talaga ang ibang husay pa niya kasi mahusay na siya talaga,” sabi pa ni Sylvia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …