Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nueva Ecija PPO, PNP PRO3, Prison

Senglot naghuramentado, arestado

MABILIS na napigilan ng pulisya ang isang marahas at posibleng pagdanak ng dugo nang maghuramentado ang isang lasing na lalaki na armado ng patalim sa Brgy. Caanawan, lungsod ng San Jose, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Miyerkoles ng gabi, 20 Agosto.

Sa ulat mula kay P/Col. Heryl “Daguit” Bruno, provincial director ng Nueva Ecija PPO, dakong 7:20 ng gabi kamakalawa nang magwala habang nasa impluwensya ng alak ang isang 33-anyos na lalaki na na kinilala sa alyas Boy Senglot, naninirahan sa Zone 10, Brgy. Abar 2nd, s nabanggit na lungsod.

Habang armado ng kutsilyo, tinangkang saksakin ng suspek ang isang 37-anyos na tindero, na nagawang makatakas bago siya masaktan.

Patuloy na naging agresibo ang suspek at tinugis ang dalawa pang biktima—isang 21-anyos at isang 29-anyos—na kapuwa residente ng Zone 1, Bgry. Caanawan, na kapwa nakatakas bago abutan ng suspek.

Agad na tumugon sa ulat na ginawa sa pamamagitan ng opisyal na hotline ng San Jose CPS, mabilis na dumating ang mga operatiba sa lugar at kinorner ang suspek na nawala ang pagkalasing nang tuluyang arestuhin.

Narekober mula sa kanya ang kitchen knife na ginamit sa tangkang pag-atake at dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Inihahanda na ang kasong Grave Threat at Attempted Homicide para sa pagsasampa laban sa suspek sa City Prosecutor’s Office ng lungsod.

Kaugnay nito, hinimok ni P/Col. Bruno ang lahat na iwasan ang labis na pag-inom at ang mga panganib na dulot nito, dahil ang pagkalasing ay kadalasang humahantong sa mga krimen na nagbabanta sa buhay at kapayapaan na nagbibigay-diin sa patnubay ni Police Regional Office 3 Director P/BGen. Ponce Rogelio Peñones Jr. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …