Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kyle Echarri Piolo Pascual

Kyle Echarri nagsalita na sa malisyosong tsika sa kanila ni Piolo Pascual: He is like a brother

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGSALITA na si Kyle Echarri tungkol sa mga naglalabasang tsismis sa kanila ng Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual.

Hanggang ngayon kasi ay marami pa rin ang naglalagay ng malisya sa pagkakaibigan ng dalawa.

Ayon sa binata, para na silang magkapatid ni Piolo at walang bahid ng katotohanan ang mga chikang naglalabasan sa social media, na mayroon silang something together.

Paliwanag ni Kyle, “I never really have to answer what the people say. Mali ang iniisip ng mga tao. Kapatid ko ‘yan. He is a brother, a best friend of mine. 

“Kami, alam namin magkapatid kami. We are best friends.  

“I have been asked this so many times. I know who I am. Kapatid ko ‘yan. He is like a brother to me. He has been a mentor to me for the past two years,” aniya pa.

Paglilinaw pa ng singer-actor sa pagiging close nila ni Papa P, “He came into my life at a very significant time when I was losing my sister. Ilan lang po nakaalam sa pinagdaanan ko noon. 

“One of the brothers that helped me out through the scenes na masakit at mahirap gawin dahil sa nangyari sa kapatid ko,” dagdag pa ni Kyle.

Kaya naman naging close sina Piolo at Kyle ay dahail ilang beses na silang nagkatrabaho sa mga serye at magkasama sila sa ASAP.

May bago rin silang proyekto na malapit nang mapanood ng madlang pipol.

Natanong din si Kyle tungkol sa kanyang lovelife.

Sa ngayon, I am taking my time building a relationship with myself, inner peace, and loved ones around me. Hindi kailangan mayroon ako agad,” sey pa ng binata.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …