Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo Alden Richards Vice Ganda Julia Barretto Joshua Garcia Vic Sotto

Kathryn, Alden, Vice Ganda Box Office Hero sa 8th EDDYS

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

SIYAM na naglalakihang bituin sa Philippine movie industry ang bibigyang-parangal para sa Box Office Hero ng 8th EDDYS Entertainment Editors’ Choice.

Sila ang mga bumida sa mga pelikulang nagpakitang-gilas sa takilya nitong nagdaang taon at tumaya para sa patuloy na pagbangon ng industriya ng pelikulang Pilipino na naging daan para muling sumugod sa sinehan ang mga manonood.

Sa ikalawang taon ng The EDDYS Box Office Heroes, gagawaran ng parangal sina Kathryn Bernardo at Alden Richards para sa kanilang reunion film na Hello, Love, Again.

Gumawa ng kasaysayan ang pelikula matapos kumita sa takilya ng P1.6-B worldwide. 

Nakamit ng sequel ng 2019 hit na Hello, Love, Goodbye nina Alden at Kathryn, ang pinakamalaking opening weekend para sa isang pelikulang Filipino sa U.S. at Canada, na nakakuha ng $2.4-M sa North America at napunta pa sa No. 8 sa lingguhang box-office chart ng rehiyon. 

Hawak nito ngayon ang titulong “highest-grossing Filipino film of all time.”

Samantala, ipinagpatuloy naman ni Vice Ganda ang kanyang holiday box-office streak sa And the Breadwinner Is…, na kumita ng P460-M.

Dito, muling pinatunayan ng Phenomenal Box-office Star ang kanyang magic at karisma sa mga Filipino tuwing panahon ng Kapaskuhan.

Kasama rin sa gagawaran ng 8th EDDYS  Box Office Hero award sina Julia Barretto at Joshua Garcia para sa kanilang hit romance na Un/Happy for You, na lumampas sa P450-M ang hinamig sa takilya mula sa iba’t ibang panig ng mundo. 

Ang tagumpay ng kanilang on-screen reunion ay nagpaalala sa mga manonood kung bakit minsan nang namuno ang kanilang chemistry sa primetime at sa big screen.

Para kompletuhin ang listahan ng Box Office Heroes sa ika-8 edisyon ng The EDDYS, pararangalan din sina Vic Sotto at Piolo Pascual para sa pelikulang The Kingdom at sina  Dennis Trillo at Ruru Madridpara naman sa Green Bones.

Pareho ring multi-awarded ang mga nasabing pelikula na napatunayan ang kritikal na pagbubunyi at komersiyal na tagumpay ay maaaring magkasabay.

Ang 8th EDDYS ay gaganapin sa July 20, 2025 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City, at magkakaroon ng delayed telecast sa Kapamilya Channel, Jeepney TV at may worldwide streaming sa iWantTFC sa July 27, Linggo.

Mamimigay din ng 14 acting at technical lawards ang SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2024.

Co-presenter ng 8th EDDYS ang Newport World Resorts at ABS-CBN sa ilalim ng production ng Brightlight Entertainment na pinangu­ngunahan ni Pat-P Daza at ididirehe muli ni Eric Quizon.

Ang SPEED ay pinamumunuan ng kasalukuyang presidente ng grupo na si Salve Asis ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa.

Para sa karagdagang detalye, maaaring i-follow ang official Facebook page ng The EDDYS (The Entertainment Editors’ Choice).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …