Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eddys Speed

Mga nominado sa 8th EDDYS ng SPEEd  ihahayag sa July 1 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

SA Martes, July 1, Martes, ihahayag ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang mga nominado sa iba’t ibang acting at technical awards para sa pinakaaabangang 8th EDDYS.

Magaganap ito sa Rampa Drag Club sa 27B Tomas Morato Avenue Extension, Barangay South Triangle, Quezon City, 1:00 p.m..

May 14 acting at technical awards na paglalabanan ang mga mapipiling nominado mula sa mga pelikulang ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2024.

Kabilang sa major awards na ipamamahagi ngayong taon sa The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ang Best Picture, Best Director, Best Actress, Best Actor, Best Supporting Actor, at Best Supporting Actress.

Makakasama ng SPEEd officers at members sa announcement of nominees ang 6th EDDYS Best Actress na si Max Eigenmann at ang Isah V. Red awardee ngayong taon na si RS Francisco.

Sila ang naatasang maghayag ng mga nominado para sa major categories ng ika-8 edisyon ng The EDDYS.

Nauna nang in-announce ng SPEEd ang mga special award na ipamamahagi sa gabi ng parangal kabilang na ang Producer of the Year na igagawad sa GMA Pictures at ang Rising Producer Circle award na ipagkakaloob sa Nathan Studios.

Bukod dito, pararangalan din sa 8th EDDYS ang showbiz columnist, TV-online host at content creator na si Ogie Diaz na tatanggap ng Joe Quirino Award habang ang Manny Pichel Award ay igagawad sa dating entertainment editor na si Crispina Belen.

Para naman sa Isah V. Red Award na ipinagkakaloob ng The EDDYS taon-taon sa mga personalidad na walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan, ipagkakaloob ito sa actor-entrepreneur-producer na si RS Francisco.

Kabilang din sa magiging highlight ng ika-8 edisyon ng The EDDYS ang pagkilala at pagbibigay-parangal sa anim na Movie Icons – sila ay ang mga respetadong veteran star na sina Laurice Guillen, Odette Khan, Perla Bautista, Pen Medina, at mag-asawang Rosemarie Gil at Eddie Mesa.

Muli ring bibigyang-pugay ng samahan ng mga entertainment editor sa Pilipinas, na binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper, at online portals, ang mga tumaya para sa patuloy na pagbangon ng Philippine movie industry sa ikalawang taon ng The EDDYS Box Office Heroes.  

Ang 8th EDDYS ay gaganapin sa July 20, 2025 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City, at magkakaroon ng delayed telecast sa Kapamilya Channel, Jeepney TV at may worldwide streaming sa iWantTFC sa July 27, Linggo.

Co-presenter ng 8th EDDYS ang Newport World Resorts at ABS-CBN sa ilalim ng production ng Brightlight Entertainment na pinangu­ngunahan ni Pat-P Daza at ididirehe muli ni Eric Quizon.

Ang SPEED ay pinamumunuan ng kasalukuyang presidente ng grupo na si Salve Asis ng Pilipino Star NGAYON (philstar/ngayon) at Pang Masa (philstar/pangmasa).

Para sa karagdagang detalye, maaaring i-follow ang official Facebook page ng The EDDYS (The Entertainment Editors’ Choice).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …