Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ashley Lopez

Ashley Lopez, hataw to the max sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PATULOY sa pag-arangkada ang showbiz career ng sexy actress na si Ashley Lopez. Sadyang hataw to the max siya ngayon sa kaliwa’t kanang projects.

Unang nabinyagan si Ashley sa maiinit na lampungan at hubaran sa pelikulang “Malagkit” ni Direk Bobby Bonifacio Jr.. Mula rito, tuloy-tuloy na sa paghataw sa paggawa ng mga pelikula ang hot na hot na talent ni Jojo Veloso.

Showing na ngayon sa VMX (dating Vivamax) ang pelikulang “Bayo”, ni Direk Roman Perez Jr. Nagbigay siya nang kaunting patikim dito.

Wika ni Ashley, “Sa movie, ginampanan ko po ang role na si Claire, na galing sa Maynila at pumunta sa probinsiya upang magtrabaho sa pagawaan ng bigas.

“Makikilala niya po rito ang mag-asawang sina Nora (Anne Marie Gonzales) at Andres (Nathan Cajucom)… abangan n’yo po kung anong mangyayari kapag ang mag-asawang ito ay parehong nahumaling kay Claire na mayroon talagang agenda sa pagpunta sa probinsiya at sinadyang makilala sila,” kuwento pa ni Ashley.

Nabanggit din ng aktres ang bagong pelikula na katatapos lang niyang i-shoot.

Aniya, “Ang new movie ko po ay “69”, ang role ko po rito ay si Maya na isang photographer. Lagi siyang nagtatrabaho sa cafe at doon niya makikilala si Raf na ginagampanan po ni Mhack Morales. Magkakagusto si Raf sa kanya at magkakaroon sila ng conflict during their meet ups.

“Makikilala rin ni Maya si Elle (Queenie De Mesa) at magkakaroon din sila ng kakaibang relasyon. Ang director po ng pelikulang ito ay si direk Roe Pajenma.”

Bakit 69 ang title ng kanilang movie?

“Kaya po 69 ang title, kasi umiikot po ang kuwento from one person hanggang sa may ma-meet siya at ‘yung ending nang ma-meet niya ay nakilala ‘yung unang tao na makikita ninyo sa movie. At bawat tao sa movie na ito ay may kanya-kanyang pinagdaraanan po,” esplika pa ni Ashley.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …