Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
SPEEd Outreach Program

SPEEd Outreach Program sa St. John The Baptist matagumpay

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

HINDI naging hadlang ang malakas na buhos ng ulan para makapaghatid ng biyaya at saya ang SPEEd (Society of Phil. Entertainment Editors), grupo ng mga patnugot mula sa pambansang pahayagan, sa humigit-kumulang na 150 kabataan sa ginanap na SPEED Cares Outreach Program noong Linggo, Hunyo 22, 2025 sa Longos, Laguna.

Sa tulong at suporta ng ilang grupo at personalidad tulad nina Biñan, Laguna Cong. Len Alonte, Bebot Santos ng Colorete Clothing, Moises Fernandez & friends, Geraldine JenningsLVD Management, Inc., at Federation of Filipino Chinese Chambers Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), matagumpay na nairaos ang ikalimang outreach program ng SPEEd sa St. John The Baptist sa Kalayaan, Longos, Laguna.

Kitang-kita sa mga mata ng mga bata, kasabay ng napakatamis na ngiti at taos-pusong pasasalamat, ang kanilang walang kapantay na saya at kasabikan habang tinatanggap ang mga damit, laruan, biscuits, at prutas na dala-dala ng mga officer at miyembro ng SPEEd.

Ikinatuwa rin ng mga bata ang simple pero masustansiyang meryenda na inihanda ng grupo para sa kanila.

Maliit na bagay para sa mga taong nakaaangat sa buhay, ngunit para sa mga batang ito na kasama pa ang kanilang mga magulang na matiyagang pumila para sa mga pasalubong ng SPEEd, malaking tuwa ang hatid nito sa kanilang puso na nag-iwan din ng marka sa kanilang isip sa kahalagahan ng pagbibigay, pagbabahagi ng ating mga biyaya, at pakikipagkapwa-tao.

Taos pusong ipinagpapasalamat ng SPEEd ang mainit na pagtanggap ng Kura Paroko ng St. John The Baptist na si Rev. Fr. Christian Abao at ng grupong CWL sa pangunguna ng dating Longos mayor na si Ms. Leni Aldaw, gayundin sa kanilang masusing pag-alalay para maging maayos at organisado ang outreach program.

Muli, ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng aming sponsors na tumulong at sumuporta para maging matagumpay ang taunang outreach program ng SPEEd.

Ang SPEEd ay mula sa pamumuno ni Ms. Salve Asis at ngayon ay nasa ikasampung taon na ng pamamayagpag nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …