Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Lloyd Cruz fathers day

Lloydie emosyonal, tagos sa puso mensahe sa anak noong Father’s Day

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG nakaraang Father’s Day, last Sunday, ay nagbiday ng message si John Lloyd Cruz para sa kanyang anak na si Elias.

Emosyonal at tagos sa puso ang Father’s Day message ng aktor para sa anak.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni Lloydie ang nararamdaman bilang tatay sa anak nila ng dating partner na si Ellen Adarna 

kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Tatay.

Sey ng aktor, araw-araw ay ipinaglalaban niya si Elias at handa siyang mamatay para lamang sa kapakanan nito.

Happy father’s day sa atin anak. salamat dumating ka at pinatunayang pwede maging buo bagamat hindi magkasama.

“Araw-araw, pinaglalaban ‘ko. Araw-araw kaya ko mamatay para sa’yo. salamat anak. wala na ‘kong mahihiling pa bilang ama. enjoy ka today,” bahagi ng IG post ni John Lloyd.

Dagdag pa niya, “HFD to us. Happy father’s day sa lahat ng mga amang hindi sumusuko sa pamilya. Inspirasyon kayo sa aming mag-ama.”

Binati rin ni Lloydie ang kanyang tatay, “Hanep na buhay to, salamat po walang uri ng tagumpay, parangal, kapangyarihan tatapat dito.

“Ito ang success sa tulad ko. Salamat sa erpat ko, kundi sa kanya, wala itong larawan na ‘to. Happy father’s day Daddy.

“This is our best year, paboritong biyaya ko ang makasama ka at makakwentuhan kahit minsan. Salamat nandyan ka. Salamat hindi ka madrama,” mensahe pa ng aktor sa ama para sa Father’s Day.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …