Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

CA binawi absuwelto ng RTC sa drug case vs De Lima

051625 Hataw Frontpage

BINAWI ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 204 na nag-absuwelto kay dating senadora Leila de Lima sa kinakaharap niyang drug case noong 2023.

Sa 12-pahinang desisyon ng CA 8th division, pinaboran ng Appellate Court ang petition for certiorari na inihain ni Solicitor General Menardo Guevarra.

“The presence of grave abuse of discretion effectively nullifies the public respondent’s jurisdiction, thereby nega­ting the second re­quisite of double jeopardy. To this, therefore, an acquittal rendered through a judgement marred by grave abuse of discretion cannot be consi­dered an acquittal entitled to the protection against double jeopardy,” paliwanag ng dibisyon.

“In a plethora of cases, the Supreme Court consistently ruled that when grave abuse of discretion taints a judgement, it becomes wholly void,” dagdag nito.

Dahil dito, ipinasisilip muli ng CA ang mga ginamit na dokumento at ebidensiya na naging batayan sa pagsasampa ng kaso at acquittal ni de Lima.

Matatandaang si De Lima ay nakulong dahil sa sinabing pagkakasangkot sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Noong 24 Hunyo 2024, ibinasura ng Muntinlupa RTC ang ikatlo at huling drug case ni De Lima.

Lumabas ang desisyon ng CA sa kaso ni De Lima, matapos ianunsiyo ng kinatawan ng nagwaging Mamamayang Liberal (ML) Partylist na siya ay inalok ni House Speaker Martin Romualdez na lumahok sa prosecution panel sa gaganaping impeachment trial laban sa na-impeach na si Vice President Sara Duterte.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …