Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Caloocan

Wanted sa Bulacan, arestado sa Caloocan

NALAMBAT ng Caloocan police ang isang 33-anyos akusado na wanted sa kasong pagpatay sa Bulacan matapos ang ikinasang operasyon sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, nagtago ang akusado kinilala bilang alyas Tata, wanted sa lalawigan ng Bulacan, dahil sa kasong pagpatay.

Nakakuha ng kopya ng arrest warrant ang mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) na inilabas ni Malolos City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Gorgonio Balbastro Elarmo, Jr., ng Branch 77.

Sa ikinasang manhunt operation ng mga operatiba ng NPD-DSOU, naaresto ang akusado bandang 4:00 pm kamakalawa sa F. Miramonte Park Subdivision, West Brgy. 180, North Caloocan.

May inilaang piyansa ang hukuman na P120,000.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng NPD Custodial Facility Unit sa Kaunlaran Village ang suspek, habang hinihintay ang ilalabas na commitment order ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Malolos City Jail. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …