Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PSAA Philippine Schools Athletics Association aarangkada na
Panauhin si PSAA founder at organizer coach Armando Arimado kasama ang mga kinatawan ng eskuwelahang kalahok na sina (L-R) Restituto Fillerca Jr. PKL Karate, Danny Caballero PSAA Deputy Commissioner, Robert Dela Rosa PSSA Commissioner, Fernando Arimado Collegiate Youth Basketball Organizer, Gualberto Garcia coach PMI, Ericson Rolex coach PIC, Hector Moquera coach UBIX College Inc., at John Gabriel Denz UBIX College Inc. Sports coordinator sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ kahapon sa VIP Room ng Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Maynila. (HENRY TALAN VARGAS)

Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

KABUUANG 10 koponan sa pangunguna ng Philippine Christian University -Manila ang sasalang sa opisyal na pagbubukas ng unang season ng Philippine Schools Athletics Association (PSAA) basketball tournament sa Mayo 10 sa Jesus is Lord College Foundation gymnasium sa Bocaue, Bulacan.

Ayon kay PSAA founder at organizer coach Fernando Arimado kumpirmadong sasabak bilang mga founding member ng liga ang PCU-Manila na siyang itinanghal na kampeon sa pre-season ng liga nitong Nobyembre.

Kasama rin ang JIL, Philippine international College, U-Bix Colleges, Inc., Philippine Maritime Institute, St. Bernadeth, Bulacan State University, St. Joseph of Olongapo, Asia Pacific College at Manuel Enverga College.

“All system go. Nagpapasalamat ako sa tiwala ng ating mga miyembrong ekwelahan at sa mga sponsors na siyang backbone para mapagtagumpayan natin itong liga at maipagpatuloy natin ang ating misyon na tulungan ang sports development sa basketball,” pahayag ni Arimado, founder din ng National Youth Basketball League (NYBL), sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ kahapon sa VIP Room ng Rizal Memorial Coliseum.

Itinalagang League Commissioner ang dating commercial player na si Robert Dela Rosa kasama ang assistant na si coach Danny Caballero.

“Ang tagumpay ng liga ay nakasalalay sa officiating. Walang magiging problema basta ang mga official natin ay reliable, consistent at patas, kaya kinuha nating mga referees yung grupo na responsible din sa NCAA at UAAP,” sambit ni Dela Rosa sa lingguhang programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Kumpiyansa ang ilang kinatawan ng mga eskwelahan sa kanilang magiging kampanya, ngunit kumbinsido silang nakalalamang ang PCU-Manila dahil sa malawak nitong karanasan sa iba’t ibang collegiate leagues.

“Team to beat ang PCU sila ang kampeon sa pre-season. But hopefully, yun mahaba-habang preparasyon naming ay maging sandata naming para makabawi sa kanila ang tanghaling inaugural PSAA champion,” pahayag ni PIC coach Ericson Relox.

Bukod sa core ng koponan na naging kampeon sa pre-season at sa International Invitational sa Perth, Australia, sasabak ang PCU kasama ang bagong recruit na Fil-American player.

“Still, we did not consider our team as favorite. Bawat team na kalaban naming ay itinuturin naming top competitors kaya ang mind-set ng mga players hindu puwedeng mag-relax. Importante sa bawat laro mayroon kaming matutunan sa kanila at may matutunan sila sa amin,’ pahayag ni PCU coach Gualberto Garcia.

Dumalo rin sa programa sina U-Bic Colleges coach Hector Angelo Moquera, . John Gabrial Denz, PMI coach Aljero Alemania, at Philippine Karate League (PKL) head Restituto Fillarca, Jr. Kabilang ang karate at volleyball sa event na isasagawa ng PSAA sa ikalawang quarters ng taon. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …