Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Comelec Money Batangas

P273-M ayuda ng Batangas ipinahinto ng Comelec

IPINAHINTO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng iba’t ibang financial assistance na umaabot sa P273 milyon sa lalawigan ng Batangas dahil posibleng maging anyo ng pagbili ng boto.

Sa desisyon ng Comelec en banc, may petsang 21 Abril 2025, sinuspinde nito ang exemption na ibinigay sa provincial government ng Batangas, na pinamumunuan ni Gov. Hermilando Mandanas, para magpamahagi ng ayuda sa panahon ng halalan.

Inatasan ng poll body ang Law Department na imbestigahan ang mga alegasyong binanggit ng Progressive Allied Batangueños (PAB) sa kanilang reklamo at agad isumite ang resulta sa Comelec en banc.

Nag-ugat ang desisyon ng Comelec sa reklamo ng PAB ukol sa rekomendasyon ng Comelec Law Department na aprobahan ang mga proyektong hiniling ni Mandanas na ma-exempt sa ban sa pamamahagi ng ayuda.

Kabilang sa mga proyektong ipinatigil ng Comelec ang Aid to Individual in Crisis Situation (AICS) and Cash for Work (P16,712,799.33), Emergency Assistance Service under 20% Development Fund (P23,095,537.17), Job Fair (P150,000), Employment Assistance Program (P800,000), Release of Assistance for youth sports activities (P32,460,400), Cash for work for the victims of Typhoon Kristine and Taal Volcano evacuees (P5,000,000), Hot Meals Dulot ng Kalamidad for the victims of Typhoon Kristine and Taal Volcano evacuees (P5 milyon), at Scholarship and Educational Assistance (P190 milyon).

Iginiit ng PAB sa Comelec na magkakaroon ng bentaha si Mandanas sa kanyang mga katunggali kapag ipinatupad ang proyektong ito sa panahon ng kampanya.

Dahil walang malinaw na panuntunan sa pamamahagi nito, maaari rin maimpluwensiyahan ni Mandanas ang mga benepisaryo na iboto siya sa darating na halalan.

Duda ang PAB sa timing ng schedule ng pamamahagi ng ayuda na itinaon ni Mandanas sa panahon ng kampanya.

Kasalukuyang tumatakbang bise gobernador si Mandanas sa lalawigan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …