Monday , May 12 2025
Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon upang matukoy at maaresto ang salarin ng isang turistang Korean national.

Ayon sa lokal na pamahalaan, binawian ng buhay ang Korean national na kinilala sa pangalang “Kim” matapos barilin sa Korean Town area sa lungsod ng Angeles, Pampanga, nitong Linggo, 20 Abril.

Sa isang pahayag mula sa Angeles City PIO, nakasaad na binaril ang biktima malapit sa isang banko sa Friendship Highway dakong 1:50 ng hapon.

Kasunod ng pamamariil, mabilis na isinugod ang biktima sa ospital ngunit idineklara siyang patay ng mga manggagamot.

Idinagdag sa pahayag na robbery ang unang impormasyon na lumabas tungkol sa naturang krimen.

Napag-alamang ito ang unang naitalang kaso sa Angeles City na isang Korean national ang nasangkot sa pamamaril na iniuugnay sa robbery.

Samantala, ikinabahala ni Mayor Carmelo Lazatin, Jr., ang naturang insidente at inatasan ang pulisya na lutasin kaagad ang krimen.

Dagdag ng opisyal, hindi nila papayagan na ang ganitong brutal act ay hindi kaagad maresolba sapagkat ang Angeles City ay mananatiling tahimik para sa mga lokal at mga dayuhan.

Hinikayat ng lokal na pamahalaan ang publiko na may nalalaman sa kaso na makipag-ugnayan sa Angeles CPS. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …