Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Miles Ocampo lumipat na sa All Access to Artists

Miles Ocampo lumipat na sa All Access to Artists

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NASA pangangalaga na ng All Access to Artists (Triple A) Management si Miles Ocampo. Noong Martes, Abril 22 ginanap ang contract signing sa Lola Ote kasama ang mga big boos na sina Direk Mike Tuviera (President and CEO), Jojo Oconer (CFO and COO), at Jacqui Cara (Head of Operations and Sales).

Sobrang saya ni Miles sa contract signing at panay ang sabing first time niyang maranasan ang ganoon.

Ayon sa aktres, “I’m just very grateful. Sobrang saya ko na mapabilang sa Triple A. Alam kong marami pa akong matututunan at mae-experience rito.”

Bale kapatid na ni Miles sa Triple A sina Marian Rivera, Maine Mendoza, Carla Abellana at marami pang iba.

Ayon kay direk Mike, pamilya na ang turing nila kay Miles na siyang itinuro rin ng kanyang amang si Tony Tuviera sa lahat ng katrabaho. 

Ukol naman sa plano nila kay Miles sinabi nitong, “Mayroon kaming series na gagawin for Netflix. Iibahin namin sa daily niyang ginagawa sa ‘Bulaga.’

“At dahil magaling din sa drama, soon, gagawa kami ng movie para sa kanya,” wika pa ni Direk Mike.

Ito rin kasi ang gusto ni Miles, ang mas maipakita pa ang galing niya sa acting lalo na sa pagda-drama.

Sa ngayon po, sobra ko pong nami-miss ang pag-arte. At siguro po, baka akala ng iba, hindi ako allowed na tumanggap ng acting project dahil may daily ako na ‘Eat Bulaga,’ nagawa ko nga po ang ‘Padyak Princess’ at naging okay naman po ang lahat,” anang aktres.

Hindi naman sinabi ni Miles ang dahilan ng pag-alis sa management ni Maja Salvador pero iginiit nitong grateful siya rito sa mga oportunidad at naitulong sa kanyang career.

Araw-araw pa ring napapanood si Miles sa Eat Bulaga

Ukol naman sa kanyang health sinabi nitong lifetime na ang kanyang maintenance medication, pero cancer-free na siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …