Monday , May 12 2025
Vote Buying

Isko Moreno, pinagpapaliwanag ng Comelec sa pagbili ng mga boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) si mayoral bet Isko Moreno kaugnay ng vote-buying o pamimili ng mga boto, isang uri ng paglabag sa mga regulasyon ng Comelec na maaring maging batayan ng disqualification.

     Ang listahan ng mga inisyuhan ng ‘show cause orders’ kung saan ikaanim si Moreno at may kasamang walo pang ibang kandidato, ay inilabas ng Comelec Huwebes ng hapon, kung saan binanggit na ang rason sa pagkakasama kay Moreno ay dahil sa pamamahagi ng P3,000 sa public school teachers.

     Bago niyan, binalaan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato sa paggawa ng election offenses gaya ng vote-buying dahil maari silang maharap sa disqualification.   

      Sa katunayan ay bumuo pa si Comelec Chair George Erwin Garcia ng Committee on Kontra Bigay sa pamamagitan ng Resolution 11104 upang ipatupad ang batas laban sa pamimili ng boto at pagbebenta nito. 

     Upang palakasin ang pagbabantay at pagpapatupad nito, nagtatag din ng  regional, provincial a city-level “Kontra Bigay” committees na siyang magbabantay at magre-report ng mga paglabag.

     Sa ilalim ng Section 24 ng nasabing resolution, ang vote-buying at vote-selling ay ang pagbibigay o pangangako ng anumang may halaga kapalit ng boto at hindi ito limitado sa cash transactions lamang.

     Pinarurusahan din sa nasabing batas ang mga nahingi o tumatanggap ng anumang may halaga, direkta man o hindi, sa layuning ibigay bilang kapalit ang pag-impluwensiya sa boto ng iba.

     Ang sinumang mapatunayang lumabag ay maaring maharap sa kulong na mula isa hanggang anim na taon nang walang probation,  disqualification sa paghawak sa anumang posisyon sa gobyerno to hold public office, kawalan ng karapatang bumoto at multa na di bababa sa P10,000 sa mga partidong sangkot. (MARISA SON)

About Bong Son

Check Also

Nene Aguilar

Suporta sa miting de avance ng tatak Nene Aguilar team, bumuhos

BUMUHOS ang suporta ng libo-libong Las Piñeros sa miting de avance ng Tatak Nene Aguilar …

Abby Binay

Sa Makati Subway Project, pagsasara ng pasilidad sa EMBOs
ABBY BINAY NAHAHARAP SA CRIMINAL, CIVIL CASES

NAHAHARAP si Mayor Abby Binay sa dalawang magkahiwalay na kasong kriminal at sibil dahil sa …

Bagong Henerasyon Partylist

Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey

HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa …

051025 Hataw Frontpage

Tarpaulin sa highways ipinababaklas
KAMPANYA LAST DAY NGAYON — COMELEC
Alak, sabong bawal din

HATAW News Team NAGPAALALA kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May …

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

UMAPELA ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa mga mambabatas na magsulong rin ng …