Monday , May 5 2025
Nora Aunor Bongbong Marcos Erap Estrada

PBBM, Erap dumating sa huling gabi ng lamay

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

DINAGSA ng napakaraming kaibigan, fans, pamilya, at kasamahan ang huling gabi ng lamay ni Nora sa The Heritage Memorial Park sa Taguig City.

Magkasamang dumalaw sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa burol.  Dumating sina PBBM at FL Liza sa The Heritage Park bandang 6:00 p.m. at sinalubong ng mga anak ni Ate Guy na sina Lotlot, Ian, at Matet.

Habang naroroon, nakipagkuwentuhan ang Pangulo at ang Unang Ginang sa dating screen partner ni Ate Guy na si Tirso Cruz III.

Bago ang pagpunta sa lamay, nagbigay mensahe si PBBM, anito “Her golden voice was a balm for all. Her genius was a gift to the Filipino nation.

“I join the nation in mourning the passing of our National Artist for Film, Nora Aunor (Nora Cabaltera Villamayor in real life). Throughout her splendid career that spanned more than 50 years, she was our consummate actress, singer, and film producer

“I offer my heartfelt condolences to Nora Aunor’s family, friends, and the film industry itself. Let us pray together for the eternal repose of the soul of our beloved National Artist.”  

Dumating din si dating Pangulong Josep “Erap” Estrada akay-akay ng mga anak na sina Sen. Jinggoy Estrada at Jude Estrada papasok ng chapel.

Sinabi ni Erap na ang pagkamatay ni Ate Guy ay hindi lamang kawalan sa entertainment industry kundi sa buong sambayanang Filipino.

“Malalim ang pinagsamahan namin kaya’t mabigat tanggapin ang balita ng kanyang pagpanaw…

“Isinabuhay niya ang pag-asa sa mga taong nagsusumikap abutin ang kanilang pangarap gamit ang puhunan na angking galing sa pag-awit at husay sa pag-arte sa harap ng kamera.

“Mananatiling buhay sa alaala ng lahat ang kanyang mga naging ambag sa industriya ng pelikulang Filipino.”

Nagsama sina Erap at Nora sa mga pelikulang Bakya mo Neneng (1977) at Erap Is My Guy (1973).

Sumakabilang-buhay si Nora noong  Abril 16 sa edad 71 at dahil sa acute respiratory failure.

Nakiramay din noong huling gabi ng lamay ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, Celia Rodriguez, Imelda Papin, Christopher de Leon, ang dating leading man na si Cocoy Laurel, Lorna Tolentino, Michel de Mesa, Jay Manalo, Rosanna Roces, Kyline Alcantara, John Arcilla, Jamie Rivera, Annabelle Rama, at marami pang iba.

Nakiramay din ang halos lahat ng mga nakapareha ni Ate Guy sa kanyang mga pelikula.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Makati Taguig

Taguig ‘di tinanggihan naudlot na P200-B Makati subway project — Cayetano

BINIGYANG-LINAW ni Senador Alan Peter Cayetano na kailanman ay hindi tinanggihan ng pamunuan ng Taguig …

Yanna Vlog LTO Road Rage

Sa Zambales road rage
Motorcycle vlogger inisyuhan ng LTO-SCO

INISYUHAN ng Land Transportation Office (LTO) ng ‘Show Cause Order” (SCO) ang isang sikat na …

Tuguegarao

Tuguegarao, inaasahang may magbabalik

HINDI mapigilan ang ingay at init ng kalsada sa Norte nitong mga nakaraang linggo matapos …

Comelec Vote Buying

Vote-buying sa pormang ayuda
Marikina public school teachers umapela sa Comelec para imbestigahan si Quimbo

UMAPELA ang isang grupo ng public school teachers mula Marikina City sa Commission on Elections …

PAMILYA KO Partylist Atty Anel Diaz

PAMILYA KO PARTYLIST TANGGAP MAGIGING RESULTA NG HALALAN
Pananatiling pasok sa survey ipinagpasalamat

HANDA ang Pamilya ko Partylist sa magiging resulta ng halalan sa 12 Mayo 2025. Ito …