NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 AVC Women’s Champions League noong Lunes ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Nagtala si Hsu ng Taipower ng 18 puntos mula sa 16 na atake, 14 digs at tatlong receptions. Sina Peng may 11 at Tsai 10 puntos, Huang Ching-Hsuan, siyam na puntos, Hu, 8 at Lin Cai-Zhen 8 puntos.
Sa Gazz Angels gumawa si Giovanna Day ng 18 puntos mula sa 16 na atake at walong digs, kasunod si Brooke Van Sickle na may 13 puntos.
Nanguna sa Pool B ang Taipower na may 2-0 rekord at unang umabante sa quarterfinals.